IQNA

Pista ng ‘Awa para sa Sanlibutan’ sa Karbala, Iraq, Ipinagdiwang ang Milad-un-Nabi

1:36 - September 12, 2025
News ID: 3008847
IQNA – Inilunsad sa Karbala, Iraq nitong Lunes ang unang pandaigdigang pista ng Rahmat-un-lil-Alamin (Awa para sa Sanlibutan) bilang paggunita sa anibersaryo ng kapanganakan ng Banal na Propeta (SKNK).

The first international festival of Rahmat-un-lil-Alamin (Mercy for the Worlds) was launched in Karbala, Iraq, on September 8, 2025.

Ang Astan (pangangalaga) ng banal na dambana ni Hazrat Abbas (AS) ang nag-organisa ng pista, ayon kay Al-Kafeel,

Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Mustafa Murtaza al-Zia al-Din, Tagapangalaga ng banal na dambana, Abbas Musa Ahmad, kanyang kinatawan, mga kasapi ng Konsehong Administratibo at mga pinuno ng mga departamento ng Astan, kasama ang opisyal, relihiyoso, at akademikong mga personalidad mula sa loob at labas ng Iraq.

Nagsimula ang seremonya sa pagbasa ng mga talata mula sa Banal na Quran ni Qari Muhammad Reza Al-Zubaidi. Pagkatapos, si Hashim Al-Milani, bilang kinatawan ng Astan, ay nagbigay ng talumpati. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang pangangailangang tuklasin ang pamana ng Islam at suriin ang epekto ng mensahe ni Propeta Muhammad (SKNK) sa lipunan.

Ipinanood din ang isang dokumentaryong pelikula tungkol sa bahagi ng buhay ng Banal na Propeta (SKNK) at ang kanyang mataas na pagpapahalagang makatao. Ang pistang ito, na ginanap bilang paggunita sa ika-1,500 anibersaryo ng kapanganakan ni Propeta Muhammad (SKNK), ay tatagal ng tatlong mga araw.

Kabilang sa mga programa ng pista ang isang pagtatanghal ng mga aklat, pagtitipon tungkol sa Banal na Quran, sesyon ng pananaliksik, pagpupulong pang-agham hinggil sa buhay ng Banal na Propeta (SKNK), pagbasa ng tula, at isang pampublikong pagdiriwang sa banal na dambana ni Hazrat Abbas (AS), kung saan iaanunsyo ang mga pangalan ng mga nagwagi sa unang kumpetisyon ng ‘Al-Risalah al-Kubra’ (pinakadakilang misyon).

Layunin ng Astan sa pagsasagawa ng Pista ng Rahmat-un-lil-Alamin na talakayin ang makataong misyon ng Banal na Propeta (SKNK) bilang palatandaan ng awa, kabutihan, at kapayapaan.

  

3494548

captcha