IQNA

‘Ang Iisang Qibla ay Dapat Magbigay-Inspirasyon sa Tunay na Pagkakaisa,’ Panawagan ng Iskolar na Malaysiano

19:23 - September 24, 2025
News ID: 3008893
IQNA – Nanawagan ang isang iskolar at aktibista mula Malaysia sa mga Muslim sa buong mundo na ipakita ang pagkakaisa sa pamamagitan ng gawa at hindi lamang sa mga salita, binigyang-diin na ang kanilang iisang Qibla ang dapat maging pundasyon ng pagkakapatiran.

‘Shared Qibla Must Inspire Real Unity,’ Malaysian Muslim Leader Urges

Ginawa ng pangulo ng Malaysian Consultative Council of Islamic Organizations (MAPIM), si Mohd Azmi Abdul Hamid, ang mga pahayag na ito habang nakikipanayam sa IQNA sa gilid ng ika-39 na Pandaigdigang Kumperensiya ng Pagkakaisang Islamiko sa Tehran noong unang bahagi ng Setyembre.

Iginiit niya na kailangan ng mundong Islamiko ang isang malakas na sama-samang tinig upang ipagtanggol ang Palestine at iba pang inaaping mga pamayanan. Itinuro niya ang Organization of Islamic Cooperation (OIC) bilang isang posibleng epektibong plataporma ngunit sinabi na ito’y dapat baguhin upang maging mas aktibo na samahan. “Ang pinakamahalagang batayan ng pagkakaisa sa mga tagasunod ng iba’t ibang mga paaralan ng Islam ay ang iisang Qibla, na alin nangangahulugang sila ay nananalangin sa iisang direksyon,” sabi niya. Hinimok ni Azmi ang mga bansang mayoryang Muslim na huwag umasa lamang sa United Nations.

Iminungkahi niya ang pagtatatag ng kasabay na mga koalisyon sa pamamagitan ng mga organisasyon katulad ng OIC, Non-Aligned Movement, ASEAN, at BRICS upang makapagbigay ng pagiit sa mga mananakop. Nanawagan din siya ng isang independiyenteng Islamikong himpilan na media upang labanan ang Zionista at Kanluraning propaganda.

Binigyang-diin niya na ang mga bansang Muslim “ay dapat ding lumagda ng matibay na kasunduang pangdepensa at pangseguridad upang maiwasan ang pananalakay at makapag-ugnay ng kolektibong mga estratehiya sa depensa, at makipagtulungan nang malapitan sa larangan ng ekonomiya, lalo na sa mahahalagang sektor tulad ng enerhiya, seguridad sa pagkain, at teknolohiya.” Itinuro ni Azmi na ang reporma sa OIC at ang pagpapakita ng pagkakaisa sa pamamagitan ng kongkretong hakbang, katulad ng boykot at parusa, ay kinakailangang mga hakbang upang palakasin ang Ummah ng Islam at maipahayag ang papel nito sa pandaigdigang usapin.

 

‘Nagising ang Pandaigdigang Konsensiya’

Tungkol sa makataong kalagayan sa Gaza, pinuri niya ang pandaigdigang mga inisyatiba katulad ng Sumud flotilla, na layong maghatid ng tulong at magbigay pansin sa mga kalagayan sa naturang lugar. Sinabi niya na ang pagsisikap na ito ay sumasalamin sa pinagsasaluhang mga halaga ng kapayapaan, makataong suporta, at paggalang sa pandaigdigang batas.

“Ang pambihirang pagsisikap na ito ay sumasalamin sa paggising ng pandaigdigang konsensiya sa harap ng mga krimen ng malupit na rehimeng Israel,” sabi niya, at idinagdag, “Ang karaniwang mga tao mula sa iba’t ibang mga panig ng mundo, habang maraming mga gobyerno ang nagbulag-bulagan sa kalamidad, ay kumilos sa pag-asang maibsan ang pasanin ng sugatang mga Palestino.”

 

3494716

captcha