
Nakipagpulong si Moreno kay Kalihim ng Pamamahala ng Badyet na si Amenah Pangandaman ng Departmento ng Badyet at Pangangasiwa (DBM) upang pag-usapan ang nasabing panukala bilang paghahanda sa pagpunong-abala ng Pilipinas ng ASEAN Summit sa 2026.
Sa nasabing pagpupulong, binigyang-diin ni Moreno ang kahalagahan ng pag-ugnay ng pambansa at panloob na mga hakbangin upang itaguyod ang pagkakaisa at turismong pangkultura sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba ng pamahalaan.
Bilang tugon, pinuri ng pinuno ng DBM ang proyekto ng rehabilitasyon ng Halal na Bayan, at ipinahayag ang kanyang suporta at kasabikan sa pagkilala sa sambayanan ng mga Muslim sa lungsod.
Samantala, kinumpirma rin ni Pangandaman na inaasahang tutulong ang pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) sa pagpopondo ng pagpapanumbalik ng Golden Moske.
Para mapaganda yung Gintong Moske Complex,” sinabi ni Pangandaman.
“Insha’Allah (kung kalooban ng Panginoon), natutuwa kami na ang pamahalaan ng UAE ay magbibigay ng pondo upang mapaganda ang Golden Moske Complex,” sabi ni Pangandaman.
Binigyang-diin ng alkalde ng Maynila na ang panukalang buhayin muli ang representasyon ng pamayanan ng mga Muslim sa lungsod ay magkakaroon ng malaking epekto sa kultura ng Pilipinas.
“Ako ay labis na nasabik na ipresenta ang aming maliit na pagsisikap sa pag-ugnay ng mga layunin ng lungsod sa pambansang pamahalaan — lalo na’t tayo ay magpunong-abala ng ASEAN,” sabi ni Isko.
“Masaya kami na mayroon tayong pamayanan kung saan ang mga
Kristiyano at mga Muslim ay namumuhay, lumalaki, at nagnenegosyo nang magkasama, sa pagkakaisa at kapayapaan,” dagdag pa niya.
Ang Golden Moske sa Quiapo, Maynila, ay orihinal na itinayo noong panahon ng pamumuno ng yumaong pangulong Ferdinand Marcos Sr.