IQNA

Nagtataguyod ang Dalubhasa sa Quran para sa 15-Taong Paggaya para sa Batang mga Qari

19:35 - November 22, 2025
News ID: 3009109
IQNA – Isang kilalang dalubhasa sa Quran ang nagsabing ang mga mag-aaral ng pagbasa ng Quran ay dapat gumugol ng hindi bababa sa 15 na mga taon sa paggaya at pagdalubhasa sa mga istilo ng sikat na mga qari bago bumuo ng kanilang sariling natatanging pamamaraan.

Holy Quran

Ginawa ni Mahmoud Lotfinejad ang mga pahayag sa isang espesyal na sesyon ng Kataas-taasang Konseho ng Qur'an ng Iran sa Tehran noong Miyerkules.

Inilahad niya ang kanyang papel, na pinamagatang "Paggaya at Pagbabago sa Pagbigkas ng Quran", na nangangatwiran na ang isang matagal na panahon ng paggaya ay mahalaga para sa pagbuo ng isang wastong pundasyon.

"Ang panggagaya ang unang yugto sa pag-aaral ng pagbasa ng Quran," sabi ni Lotfinejad. "Ang isang mambabasa ay dapat na makakopya ng isang sikat na pagbasa bilang isang likhang sining, at pagkatapos ay ipakita ito nang naaangkop batay sa kanilang sariling kakayahan at kapasidad."

Binigyang-diin niya ang tradisyon ng Ehipto sa sining ng pagbigkas ng Quran na tumagal nang daan-daan mga siglo.

Sabi niya, sa kabila ng pagkakaroon ng isang piling komunidad ng mga mambabasa sa Iran, na marami sa kanila ay malikhain, "nasa unang mga taon pa rin tayo ng pag-abot sa isang antas kung saan maaari tayong magkaroon ng isang natatanging pagbigkas na nagmula sa kultura at sining na Iraniano."

Binigyang-diin ng dalubhasa na ang Iraniano na mga mambabasa ay wala pa sa posisyon upang tuluyang talikuran ang panggagaya. "Hindi naman lampas sa patas na sabihin na wala pa tayo sa antas kung saan maaari na nating tuluyang talikuran ang panggagaya."

Binalangkas ni Lotfinejad ang isang nakabalangkas na proseso ng pagkatuto. Ang unang hakbang ay kinabibilangan ng pagpili ng isang mag-aaral ng iisang istilo ng pagbigkas na tutularan, na iniiwasan ang kalituhan na nagmumula sa pagkuha ng napakaraming iba't ibang mga istilo nang maaga. Pagkatapos ay dapat isawsaw ng mag-aaral ang kanilang sarili sa kanilang napiling modelo sa pamamagitan ng masinsinang pakikinig.

“Dapat itago ng mag-aaral ang lahat ng mga detalye at mga komplikasyon ng pagbigkas sa kanilang memorya sa pamamagitan ng masaganang pakikinig,” paliwanag niya. “Dapat nilang maipakita ang lahat ng kanilang natutunan sa isang sesyon, nang tumpak kung ano ito.”

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng paggamit ng de-kalidad na pinnagmulan ng audio upang matiyak ang tamang pagbigkas, lalo na para sa mga bata at mga tinedyer na madalas na natututo sa pamamagitan ng mga plataporma sa onlayn. Inirerekomenda niya na ang mga mag-aaral ay laging may nakasulat na teksto ng mga talata sa harap nila at bigyang-pansin ang mga tuntunin ng Tajweed at gramatika.

Tinapos ni Lotfinejad ang kanyang presentasyon sa pamamagitan ng pagrekomenda ng partikular na mga mambabasa para sa mga nagsisimula pa lamang, at itinatampok ang mga gawa nina Ahmad Aboqassemi at Mohsen Yarahmadi bilang mahahalagang mga modelo.

 

3495468

captcha