
Ipinahayag ito ni Hojat-ol-Islam Ahmad Sayyahi, pinuno ng ehekutibong komite ng kongreso, sa isang pagpupulong sa banal na lungsod ng Qom kung saan tinalakay ang pinakabagong mga programa at mga hakbang para sa nalalapit na kaganapan.
Sinabi niya na ang mga panauhin mula sa Iraq, Bahrain, Saudi Arabia, Palestine, Lebanon, Syria, Turkey, Pakistan, Afghanistan at ilang mga bansa sa Aprika ay inimbitahan sa kongresong ito. Plano rin na ang mga panauhin na may iba’t ibang mga espesyalisasyon mula sa bawat nasyonalidad ay dumalo sa programang pandaigdigang ito “upang higit nating mapakinabangan ang kakayahan ng mga aktibista ng Arbaeen,” sabi niya.
Nagpresenta rin si Hojat-ol-Islam Sayyahi ng ulat tungkol sa kanyang kamakailang paglalakbay sa Iraq at ang naging mga resulta at mga napagkasunduan sa mga pagpupulong kasama ang panig ng Iraq.
Nagsalita rin sa pagpupulong si Hojat-ol-Islam Hamid Ahmadi, pinuno ng Komie ng Pangkultura at Pang-edukasyon ng Punong-himpilan ng Arbaeen, at binanggit na ang 300 na mga panauhing dadalo sa kongreso ay kabilang sa mga aktibista ng Arbaeen sa larangan ng pangkultura, pagpapalaganap, pananaliksik, midya, at cyberspace.
Mayroon ding 200 na mga aktibista ng Arbaeen mula sa iba’t ibang mga probinsya ng bansa, sabi niya. Ayon sa opisyal, sa kongresong ito gagawin ang huling pagpaplano at koordinasyon sa pangkultura na programa para sa Arbaeen sa susunod na taon.
Binigyang-diin niya na upang maisagawa ang kongresong ito nang engrande at makahulugan, kinakailangan ang wasto at napapanahong pagpaplano.
Sa nasabing pagpupulong, ang mga opisyal mula sa iba’t ibang mga departamento ay nagpresenta ng mga ulat tungkol sa kanilang mga paghahanda para sa kongreso, at nagbigay ng mga mungkahi upang mas maging epektibo ang pagdaraos nito at mapabuti ang estruktura ng mga komite. Ang Ika-limang Pandaigdigang Kongreso ng mga Aktibistang Pangkultura ng Arbaeen ay gaganapin sa banal na lungsod ng Mashhad, hilagang-silangan ng Iran, mula Disyembre 16 hanggang 19, 2025.
Ang Arbaeen ay isang relihiyosong okasyon na ipinagdiriwang ng mga Shia Muslim sa ika-apatnapung araw matapos ang Araw ng Ashura, bilang pag-alala sa pagkabayani ni Imam Hussein (AS), apo ni Propeta Muhammad (SKNK) at ang ikatlong Shia imam. Isa ito sa pinakamalalaking taunang mga paglalakbay sa buong mundo, kung saan milyun-milyong Shia Muslim ang naglalakad patungong Karbala mula sa iba’t ibang mga lungsod sa Iraq at karatig na mga bansa.