IQNA

Mga Tagubilin sa Qur’an tungkol sa Pagpapasuso sa mga Sanggol

7:59 - August 29, 2022
News ID: 3004483
TEHRAN (IQNA) –Mula sa mga unang araw pagkatapos ng kapanganakan, ang mga tao ay nangangailangan ng pagmamahal at pangangalaga at walang mas makakapaghatid ng pagmamahal na ito kaysa sa ina na nagmamahal sa bata ng buong puso at nagpapakain sa katawan at kaluluwa nito.

Ang Islam ay nagbibigay ng malaking kahalagahan sa ugnayan ng mga kaanib ng pamilya at ang pinakamahalagang kaanib ng pamilya ay ang ina, ang nagsisilang sa bata, nagpapakain at nagpalaki nito.

Kaya naman maraming mga pagtatagubilin at mga alituntunin tungkol sa pagiging ina at pagiging mabuting ina.

Ang bersikulo 233 ng Surah Al-Baqarah, halimbawa, ay tungkol sa pagpapasuso sa mga sanggol: “Pasusuhin ng mga ina ang kanilang mga sanggol sa loob ng dalawang taon kung nais ng mga ama na tapusin nila ang terminong ito. Kailangang bayaran sila ng ama ng makatwirang gastos. Walang kaluluwa ang may pananagutan sa kung ano ang lampas sa kakayahan nito. Wala sa mga magulang ang dapat makaranas ng anumang pagkawala mula sa isa dahil sa sanggol. Ang mga tagapagmana ay may pananagutan na pangalagaan ang mga anak ng isang namatay. Hindi kasalanan para sa mga magulang na magkaroon ng kasunduan sa isa't isa tungkol sa pag-awat ng sanggol. Walang kasalanan sa pagkuha ng isang babae na magpapasuso sa iyong mga anak para sa isang makatwirang bayad. Matakot ka sa Panginoon at alamin na alam ng Panginoon ang iyong ginagawa.”

Unang sinasabi na ang mga ina ay nagpapasuso sa kanilang mga anak sa loob ng dalawang taon. Kaya habang ang ama ay may Wilayat (tagapag-alaga) sa mga anak, ang ina ang may karapatang pangalagaan ang bata sa panahong ito.

Ito ay para sa mga gustong makatapos ng terminong ito. Sa madaling salita, may karapatan ang mga ina na pasusuhin ang sanggol sa mas maikling panahon alinsunod sa mga kalagayan ng bata.

Responsibilidad ng ama na bayaran ang mga gastusin ng ina sa panahong ito upang ang ina ay walang alalahanin.

Ang talata noon ay nagsasabi na kung ang ama ay namatay, ang mga nagmana sa kanya ay may pananagutan sa pagbabayad ng mga gastusin upang ang ina ay maalagaan ang anak.

Tungkol naman sa pag-awat ng sanggol, nasa ama at ina ang pagpapasya batay sa pisikal at mental na kalagyan ng bata.

Minsan ang ina ay tumanggi na pasusuhin ang sanggol o alagaan ito o hindi niya magawa ito sa ilang kadahilanan. Kung ganoon, ang ama ay pinahihintulutan na kumuha ng isang tao upang pakainin ang bata at alagaan ito.

 

 

3480248

captcha