IQNA

“Pagtuklas ng Nakatagong mga Yaman”: Pinuri ng Isang Iraqing Qari ang Bagong Paligsahan ng Quran sa Iran

2:34 - October 10, 2025
News ID: 3008945
IQNA – Pinuri ng kilalang Iraqi qari at tagapagbalita sa telebisyon na si Sayyid Hassanayn al-Hulw ang bagong paligsahan ng Quran sa Iran na “Zayen al-Aswat,” na inilarawan niya bilang isang makabagong plataporma na nagtatampok ng pambihirang kabataang mga talento at nagpapatibay sa mga pundasyon ng edukasyong Quraniko.

‘Discovery of Hidden Treasures’: Iraqi Qari Lauds Iran’s Recent Quran Contest

Ayon sa mambabasa na Iraqi, lumampas ang naturang kaganapan sa isang karaniwang paligsahan. “Ang nasaksihan natin sa Zayen al-Aswat ay hindi lamang isang kumpetisyon—ito ay isang pagtuklas,” sabi ni al-Hulw sa IQNA.

Ibinunyag ng kapistahan ang “pambihirang mga personalidad at kakaibang mga talento, lalo na sa mga kabataang nagpakita ng kamangha-manghang lakas at katumpakan,” sabi niya. Ang unang edisyon ng paligsahan ng Zayen al-Aswat (na nangangahulugang “Mga Tinig na Pinalamutian”) ay ginanap sa banal na lungsod ng Qom noong Oktubre 1–2, 2025. Higit sa 1,600 na mga kalahok mula sa iba’t ibang mga panig ng Iran ang nagparehistro, at 94 sa kanila ang umabot sa mga pangwakas.

Ang mga kalahok na may edad 14 hanggang 24 ay nagpaligsahan sa iba’t ibang mga anyo ng pagbigkas sa ilalim ng pangangasiwa ng pandaigdigan na mga hukom. Inorganisa ito ng Sentro ng mga Gawaing Quraniko ng Al al-Bayt Institute sa tulong ng ilang mga institusyong pangkultura, na may temang “Quran, ang Aklat ng mga Tapat.”

Ayon kay Al-Hulw, isa sa pinakamahalagang katangian ng patimpalak ay ang istruktura nitong pang-edukasyon. “Hindi lamang ito tungkol sa paligsahan; ito ay isang buhay na pagsasanayan,” paliwanag niya.

Binigyang-diin niya na maraming kabataang mga kalahok ang may likas na talento at makapangyarihang mga boses, ngunit sa tulong ng bihasang mga guro, mas napauunlad pa nila ang kanilang teknikal at estilistikong mga kakayahan, na naghahanda sa kanila para sa pandaigdigang mga entablado.

Itinampok din ng Iraqi qari ang tumataas na pandaigdigang reputasyon ng Iran sa larangan ng pagbigkas ng Quran. Ayon sa kanya, nakamit ng kabataang mga mambabasa na Iraniano ang mga kahanga-hangang resulta nitong nakaraang mga taon, at madalas silang napapabilang sa nangungunang tatlo sa prestihiyosong pandaigdigang mga paligsahan.

Tinukoy niya ang tagumpay ng Iran sa paligsahan ng Jai’zah al-Ameed sa Iraq, na karaniwang pinangungunahan ng mga bansang nagsasalita ng Arabik, bilang “patunay na ang mga kabataang Iraniano ay seryoso at kagalang-galang na mga kalahok na katapat ng mga mambabasa mula sa Ehipto at Iraq.”

Para sa kinabukasan ng Zayen al-Aswat, iminungkahi ni al-Hulw ang dalawang pangunahing layunin: ang pagpapatupad ng katarungang pang-edukasyon at ang pagtataguyod ng pagkakaiba-iba sa estilo. “May bihasang mga mambabasa mula sa liblib na mga lugar na walang akses sa kuwalipikadong mga guro. Sila ang inyong nakatagong mga yaman,” sabi niya, na nananawagan sa mga institusyon na tukuyin at suportahan sila.

Hinikayat din niya ang kabataang Iraniano na mga mambabasa na tuklasin ang iba’t ibang klasikal na mga paaralan ng pagbigkas. “Mayroon tayong dakilang mga maestro—sina Abdulbasit, Mustafa Ismail, Muhammad Sidiq al-Minshawi, Abdul Fattah al-Sha’sha’i, Muhammad Rif’at, at Mahmoud Khalil al-Husari—na bawat isa ay kumakatawan sa isang mundo ng teknik at ekspresyon,” sabi niya. Ang pagtataguyod ng pagkakaiba-iba sa estilo, dagdag pa niya, ay magbubunga ng “isang mas mayaman at mas malikhaing paaralan ng pagbigkas sa Iran na kikilalanin ng buong mundo.”

Binanggit din niya na may potensiyal ang paligsahan na ito na maging isang pandaigdigang kaganapan sa susunod na mga taon.

 

3494910

captcha