Pinangunahan ni Youcef Belmehdi, Ministro ng Mga Gawaing Panrelihiyon ng Algeria, ang pagbubukas ng taong pang-edukasyon ng Quran para sa 2025–2026 noong Lunes, Oktubre 6, sa Ahmed Sahnoun Dar al-Quran sa Bir Mourad Raïs, Algiers. Iniulat niyang may humigit-kumulang 27,000 na mga institusyong nagtuturo o nagpapasaulo ng Quran sa buong bansa, kabilang ang mga programa tuwing bakasyon. Mahigit 900,000 nam mga estudyante ang kasalukuyang nakarehistro sa mga paaralang ito ng edukasyong Quraniko.
Noong nakaraang taon, sinabi ni Belmehdi na mahigit 1.2 milyong mga mag-aaral ang lumahok sa iba’t ibang mga estruktura ng edukasyong Quraniko. Ipinunto rin niya na madalas makamit ng mga estudyanteng Algeriano ang unang tatlong mga puwesto sa pandaigdigang mga paligsahan ng pagsasaulo at pagbabasa mula sa Quran — isang tagumpay na iniuugnay ng pamahalaan sa matibay na suporta ng mga institusyon.
Sa Dar al-Quran Ahmed Sahnoun, idinagdag ni Belmehdi na humigit-kumulang 3,000 nan mga tagapagsaulo ng Quran at mga mag-aaral ng kaalamang Islamiko ang tinuturuan taun-taon. Kasama rito ang mga kalahok sa mga programang pangkaalaman sa pagbasa at pagsulat at sa karagdagang mga klase sa iba’t ibang mga antas ng edukasyon. Napansin din niya ang patuloy na paglago ng interes ng mga mag-aaral sa kabisera at iba pang mga lalawigan.
Sa parehong konteksto, pinasinayaan ni Belmehdi ang bagong mga paaralang Quraniko sa moske na “Noor al-Hudaa” sa munisipalidad ng El-Kalitus at isa pang tinatawag na “Al-Bir” sa munisipalidad ng Mohammadia.
Kinikilala niya ang mga ambag ng lokal na mga awtoridad at mga tagapagkawanggawa, at sinabi niyang ang mga proyektong pang-edukasyon at panrelihiyon na ito ay “nakakatulong sa paghubog ng isang henerasyong nagtataglay ng kakayahan at pinangangalagaan ang pagkakakilanlang panrelihiyon ng Algeria.”