Ang mga ritwal na nagaganap sa loob ng ilang araw at nagtatapos sa Eid al-Adha (Piyesta ng Pag-aalay).
Sa unang araw ng mga ritwal sa Linggo, ang mga peregrino ay nagsasagawa ng unang pag-ikot sa Banal na Ka'aba, isang kubo na dambana na kinakaharap ng mga Muslim kapag sila ay nagdarasal. Nagsasagawa sila ng isang serye ng mga ritwal sa loob ng apat na mga araw sa lungsod ng Mekka at sa paligid nito.
Ang paglalakbay ay maaaring pisikal na hinihingi dahil ang mga peregrino ay kailangang lumipat sa pagitan ng iba't ibang mga lugar at maaaring maglakad sa pagitan ng 5 hanggang 15 na mga kilometro bawat araw sa karaniwan. Ang paglalakbay sumusubok sa pasensya ng mga peregrino at isang hamon sa espirituwal, damdamin, at pisikal na antas. Maaaring mangailangan ito ng ilang paghahanda at, para sa marami, ay isang minsan-sa-isang-buhay na kaganapan.
Ang mga mananamba ay matutulog sa mga tolda sa Mina sa Lunes ng gabi at magpapalipas ng Martes sa Bundok Arafat, kung saan si Propeta Mohammad (SKNK) ay nagbigay ng kanyang huling sermon.
Matapos maghagis ng mga bato sa ritwal na "pagbato ng diyablo" sa Miyerkules, na minarkahan ang pagsisimula ng piyesta oisyal ng Eid al-Adha, ang mga peregrino ay bumalik sa Mekka upang magsagawa ng isang paalam na "tawaf" - umiikot nang pitong mga beses sa paligid ng Banal na Ka'aba.
Inilarawan ng mga awtoridad ng Saudi ang kaganapan ngayong taon bilang ang "pinakamalaking" paglalakbay ng Hajj sa mga taon, dahil mahigit sa dalawang milyong tao mula sa mahigit 160 na mga bansa ang sinasabing dumalo sa taunang pagtitipon na panrelihiyon.
Ang kaganapan ay dumating habang ang pangangailangan para sa mga kababaihan na samahan ng mga lalaking tagapag-alaga ay ibinaba ng mga awtoridad ng Saudi noong 2021.
Ngayong taon, tinanggal na rin ang mataas na edad na hangganan, ibig sabihin, libu-libong matatandang mga tao ang mapapabilang sa matapang na init ng Saudi Arabia na inaasahang aabot sa 44 degrees Celsius.
Ang paglalabay ng Hajj ay isa sa mga haligi ng Islam na ang mga Muslim sino nagtatamasa ng pananalapi sa sarili ay obligadong gawin ng kahit isang beses sa kanilang buhay.
Ngayong taon, ang unang mga grupo ng mga peregrino ng Hajj nay umalis sa Iran patungong Saudi Arabia noong Mayo 24.
May kabuuang 87,550 na Iranianong mga peregrino mula sa 21 na mga paliparan sa buong bansa ang naiulat na nakibahagi sa Hajj ngayong taon.
Nauna rito, sinabi ng Panagalawang Ministro ng mga Daan at Urban na Pag-unlad ng Iran na si Mohammad Mohammadi-Bakhsh na ang bilang ng mga Iranian ona dadalo sa paglalakbay ng Hajj ay doble sa taong ito, at idinagdag na ang nagdala ng bandera ng bansa, ang Iran Air, ay gagawin ang lahat upang ang Iranianong mga peregrino ay tamasahin ang isang magandang paglalakbay.
Iniulat na ang mga peregrino ay inilipad sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng 800 na mga flight ng Iran Air.
Ayon sa opisyal na bilang, 39,635 na mga peregrino mula sa Islamikong Republika ang bumisita sa Saudi Arabia noong 2022 para sa taunang paglalakbay ng Hajj.