Sa isang pahayag noong Sabado, tinanggap ng Al-Azhar ang kamakailang ipinasa na batas ng Danish Parliyamento na nagsasakriminal sa pagsunog ng Banal na Qur’an — isang pangyayari na kamakailan ay paulit-ulit na naganap sa Kanluran, kabilang ang Denmark.
Pinuri ng Al-Azhar ang hakbang bilang "kapuri-puri at pinahahalagahan", idinagdag na tatapusin nito ang mga pagtatangka na labagin at atakehin ang mga kabanalan ng mga Muslim.
Itinuring din nito ang batas bilang isang hakbang patungo sa pagbabawas ng kalakasan ng anti-Muslim na talumpati ng poot at samakatuwid ay nagtataguyod ng pagkamamamayan, kapayapaan sa lipunan, at kapayapaan sa mundo, idinagdag ng pahayag.
Ipinahayag ng Al-Azhar ang pag-asa nito na ang hakbang ay hikayatin ang iba pang mga bansa sa Uropa na nakasaksi ng katulad na mga insidente na magpatibay ng batas na nagbabawal sa pang-insulto sa mga relihiyon at mga kabanalan ng relihiyon.
Pinuri rin ng kagawaran na panlabas ng Qatar ang parliyamento ng Denmark para sa pagpasa ng batas noong Huwebes at nagpahayag ng pag-asa para sa pagbabawas ng talumpati ng poot, lalo na, Islamopobiya.
"Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ay nagpapahayag ng pagpapahalaga ng Qatar sa pagtugon ng Parliyamento ng Danish sa mga panawagan na pigilan ang pagsunog ng Banal na Qur’an. Kasabay nito, umaasa ito sa pagpapatibay ng mga katulad na batas mula sa mga parliyamento ng mga bansa na nakasaksi sa pagsunog ng mga kopya ng Banal na Qur’an,” isang pahayag mula sa kagawaran ang nabasa.
"Sa gayo'y ito ay mag-aambag sa pagtigil ng mga krimen na nag-uudyok ng poot, nag-uudyok ng karahasan at nagbabanta sa mapayapang pakikipamuhay sa pagitan ng mga tao."
Kamakailan, naging lugar ang Denmark at Sweden para sa mga protesta na nakasaksi sa pagsunog ng mga kopya ng Qur’an, na ang pinakakilala ay naganap noong Hulyo sa harap ng diplomatikong mga misyon ng Muslim at Arabo sa Denmark.
Ang mga insidente ay nagpalaki ng tensiyon sa mga bansang Arabo at Muslim na nanawagan ng aksiyon laban sa pagkamuhi sa panrelihiyon.
Bilang protesta sa mga aksiyon, ipinatawag ng Ehipto ang Danish na embahador at ang tagapamahala ng mga kapakanan (chargé d'affaires) sa Embahada ng Sweden sa Cairo. Sinundan din ito ng ibang mga bansang Muslim.
Kinondena mismo ng Denmark ang mga panununog bilang "mapanukso at nakakahiyang mga gawa". Gayunpaman, sinabi nito na wala itong kapangyarihan na ipagbawal ang mga hindi marahas na mga demonstrador.
Noong Huwebes, ipinasa ng parliyamento ng Denmark ang isang batas na nagsasakriminal sa "hindi naaangkop na pagtrato sa mga akda na may makabuluhang kahalagahan para sa isang kinikilalang komunidad ng relihiyon."
Nakatanggap ang panukalang batas ng 94 na mga boto na pabor kumpara sa 77 na boto mga laban sa 179 na miyembro ng parliyamento, na kilala rin bilang Folketing.