
Ang mga pagtitipon ay ginanap noong Martes ng umaga sa Tehran at sa 900 pang mga lungsod sa buong bansa sa ilalim ng bansag na “Nagkakaisa at Matatag laban sa Kayabangan” kasama ang masiglang pagdalo ng mga estudyante sa unibersidad, mga mag-aaral sa paaralan, at rebolusyonaryong mga mamamayan ng Islamikong Iran.
Ang mga pagtitipon sa taong ito ay ginanap ilang mga buwan matapos ang 12-araw na digmaan na ipinataw ng Estados Unidos at ng rehimeng Israel sa bansa noong Hunyo.
Sa Tehran, nagsimula ang pagdiriwang sa Parisukat ng Palestine at nagpatuloy hanggang sa Kalye ng Taleghani kung saan matatagpuan ang dating embahada ng Estados Unidos, na kilala bilang “pugad ng paniniktik.” Pormal itong nagsimula ng 9:30 ng umaga sa
pamamagitan ng pagbasa ng mga talata mula sa Banal na Quran ni Amir Hossein Landrani, isang mag-aaral na qari, at sinundan ng pagtugtog ng pambansang awit ng Islamikong Republika ng Iran ng bandang nagmamartsa ng hukbo.
Ang pagkakatapat ng martsa ngayong taon sa mga araw ng Fatimiya (na ginugunita ang pagkabayani ni Hazrat Zahra (SA) at ang pagkawala ng 86 na mga estudyante sa unibersidad at 34 mga mag-aaral sa paaralan na naging bayani sa mga pag-pagsalakay ng Estados Unidos at ng rehimeng Zionista sa panahon ng 12-araw na digmaan ay dito nagbigay ng kakaibang kahalagahan at lalim kumpara sa mga martsa ng nagdaang mga taon.
Ang mga nagmamartsa, kasama ang mga bansag ng “Kamatayan sa Amerika” at “Kamatayan sa Israel,” ay kinondena ang mga pag-labag sa batas ng Israel at Estados Unidos laban sa mga mamamayang Iraniano at Palestino, lalo na sa panahon ng 12-araw na digmaan at sa mga mamamayan ng Gaza itong nakaraang dalawang mga taon. Kanilang pinarangalan ang alaala ng mga bayani na mga komandante, mga siyentipiko, at mga estudyanteng nasawi sa digmaan.
Iba’t ibang mga istasyon at mga pabilyon na may temang pangkultura ang itinayo sa kahabaan ng ruta ng martsa sa Tehran, na pangunahing layunin ay ipaliwanag ang mga pag-labag sa batas ng Estados Unidos at ng rehimeng Zionista, lalo na sa 12-araw na digmaan.
Ang malawak na pagdalo ng iba’t ibang mga sektor ng populasyon kasama ang mga estudyante mula pa sa simula ng martsa ay nagpamalas ng malalim na pag-unawa ng mga tao sa kahalagahan at pagiging kakaiba ng martsa ngayong taon kumpara sa nakaraang mga taon.
Kasama rin sa mga palatuntunan sa mga gilid ng parada ang pagpapakita ng mga misayl at mga sentripuga ng Iran, na nagpapakita ng kakayahan at kaalaman ng mga kabataan sa pagpapalakas ng agham at pagtanggol na kakayahan ng bansa.
Ngayong taon, higit sa 4,500 lokal at dayuhang mga mamamahayag ang nag-uulat ng pagdiriwang. Nagbigay rin ng talumpati si Mohammad Bagher Ghalibaf, ang Tagapagsalita ng Parlyamento ng Iran, sa pagtitipon sa Tehran.
Noong ika-4 ng Nobyembre 1979, apatnapu’t anim na taon na ang nakalipas, sinakop ng mga estudyanteng Iraniano ang embahada ng Amerika sa Tehran, na kilala sa Iran bilang “pugad ng paniniktik,” mahigit isang taon lamang matapos pabagsakin ng Rebolusyong Islamiko ang diktadurang Pahlavi na sinusuportahan ng Estados Unidos.
Mula noon, tinawag ang pagdiriwang ito na Pambansang Araw ng Pakikibaka laban sa Pandaigdigang Kayabangan. Ang Ika-4 ng
Nobyembre rin ay ginugunita bilang Pambansang Araw ng mga Mag-aaral.