IQNA

Pagtutulungan sa Banal na Quran/8 Pagtutulungan ayon sa Quran Laban sa Tribalismo ng Panahong Jahili at Makabagong mga Alyansa

1:59 - November 06, 2025
News ID: 3009044
IQNA – Ang Ta’avon (pakikipatulungan) ay isang pangkalahatang prinsipyong Islamiko na nag-uutos sa mga Muslim na magtulungan sa mabubuting mga gawa at ipinagbabawal ang pakikipagtulungan sa walang saysay na mga layunin, pang-aapi, at kalupitan, kahit pa ito ay may mga kinalaman sa isang malapit na kaibigan o sariling kapatid.

Verse 24 of Surah At-Tawbah

 

Ang prinsipyong ito ay tuwirang sumasalungat sa patakaran ng Jahili (panahon ng kamangmangan) na tribalismo at makabagong pagkakampi sa kawalang-katarungan, na alin nagsasabing “suportahan ninyo ang iyong mga kapanalig, mga mapang-api man sila o inaapi.”

Ang ganitong patakaran ay umiiral sa kasalukuyang ugnayang pandaigdig, kung saan madalas ang mga magkakaalyadong mga bansa ay nagtutulungan sa mahahalagang pandaigdigang mga isyu nang hindi pinag-iiba ang mga mapang-api at ang mga inaapi.

Kung muling bubuhayin ang prinsipyo ng pagtutulungan sa mga pamayanang Islamiko at ang mga tao ay magtutulungan sa makabuluhang mga gawain nang hindi isinasaalang-alang ang alyansa, habang iniiwasan ang pagtutulong sa mga mapang-api, maraming mga suliraning panlipunan ang malulutas. Gayundin, sa pandaigdigang antas, kung iiwasan ng mga pamahalaan ang pakikipagtulungan sa mga mananakop, mawawala ang pananakop at kalupitan mula sa mundo.

Isinalaysay mula sa Banal na Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan) na kanyang sinabi: “Kapag dumating ang Araw ng Paghuhukom, may tatawag na magsasabi: Nasaan ang mga mapang-api at ang kanilang mga kapanalig? Ang mga naghanda ng panulat para sa kanila (para sa mga mapang-api), ang mga nagtali ng supot para sa kanila, o ang mga nagsawsaw ng panulat sa tinta alang-alang sa kanila. Ang mga ito rin ay dapat isama sa mga mapang-api.”

Sinasabi sa Banal na Quran, bilang isang pagsubok: “Sabihin mo: ‘Kung ang inyong mga ama, inyong mga anak na lalaki, inyong mga kapatid, inyong mga asawa, inyong mga tribo, ang mga ari-arian na inyong tinipon, ang kalakal na inyong pinangangambahang hindi mabebenta, at ang mga tahanang inyong minamahal ay mas mahalaga sa inyo kaysa sa Allah, sa Kanyang Sugo, at sa pakikibaka sa Kanyang Landas-kung gayon, hintayin ninyo hanggang ipag-utos ni Allah ang Kanyang pasya. Si Allah ay hindi gumagabay sa mga makasalanan.’” (Talata 24 ng Surah At-Tawbah).

Maaaring ituring ang talatang ito bilang isang pangkalahatang prinsipyo, na nagsasaad na ang pagmamahal sa mga kamag-anak, pamilya, tao, bagay, at kayamanan ay may hangganang pinahihintulutan. Subalit kapag ang pag-ibig na ito ay sumalungat sa pag-ibig para kay Allah at sa Kanyang Sugo, at sa pagsisikap sa Kanyang landas at ang makamundong pag-ibig ay naging mas matimbang kaysa sa kaalamang panrelihiyon at mga utos, kung gayon ay dapat hintayin ang parusa mula sa Panginoon; sapagkat ang ganitong pag-ibig ay humahantong sa pagkakasala, at ang makasalanan ay hindi makakamit ang layunin, kagaya ng ipinaliwanag sa pagpapakahulugan ng talata.

 

3495102

captcha