IQNA

Pambansang Paaralan ng Quran sa Pagbigkas na mga Pili Inilunsad sa Tehran

12:49 - May 04, 2025
News ID: 3008391
IQNA – Sa isang seremonya sa Tehran noong Huwebes, pinasinayaan ang Pambansang Paaralan ng Quran sa Pagbigkas na mga Pili.

Ang seremonya ay ginanap sa Eram Hotel na nilahukan ng Pinuno ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan na si Hojat-ol-Islam Seyed Mehdi Khamoushi at ilang Quranikong mga kilalang tao, mga dalubhasa at mga nangangasiwa ng bansa.

Pagkatapos ng pagbigkas ng mga talata mula sa Quran ng binatilyong qari na si Sobhan Abdollahi, ang beteranong aktibista ng Quran na si Abbas Salimi ay kumuha ng plataporma. Sabi niya, ang kinabukasan ng bansa ay pag-aari ng mga kabataan at mga binatilyo at kung sila ay lalapit sa Quran, maaari nilang garantiyahan ang isang magandang kinabukasan para sa bansa.

Tinukoy niya ang isang Hadith tungkol sa pananatili ng edukasyon sa pagkabata at sinabi kung ano ang maaaring mas mahusay kaysa sa salita at ang aklat ng Diyos para sa edukasyon?

Sa pagpuna na ang paglulunsad ng Pambansang Paaralan ng Quran na Pagbigkas na mga Pili ay isang napakaganda at mahalagang hakbang, sinabi niya na ang pangmatagalang hakbang na ito ay ginawa sa suporta ng kinatawan ng Kataastaasang Pinuno at hepe ng Samahang Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan.

"Natitiyak ko na ang modelong ito, na may pakikilahok at suporta ng mahabagin na mga tao, ay maaaring maging isang huwaran para sa lahat ng mga bansang Islamiko," sabi pa niya.

Si Ali Mehrabi, ang punong-guro ng paaralan, ay nagpaliwanag din sa mga aktibidad nito, na nagsasabing ang Pambansang Paaralan ng Quran na Pagbiaks na mga Pili ay gagana sa tatlong mga lugar.

"Ang unang lugar at pokus ay ang akto ng pagbigkas, na alin kinabibilangan ng Tarteel, pampakay na pagsasaulo, at paggagaya at adaptibo na pagbigkas. Ang pangalawa ay karunungang pagbigkas at ang pangatlo ay Quranikong edukasyon. Sa lahat ng mga lugar na ito, ang mga pangangailangang pang-edukasyon at sikolohikal ay tutugunan."

 

3492901

captcha