
Matapos ang mga hindi pa nagagawang seremonya sa Tehran, Qom, Najaf, at Karbala, narating ng prusisyon ng libing ang huling hantungan nito sa Mashhad, kung saan sinalubong ang labi ng napakalaking bilang ng mga tao mula sa iba't ibang bahagi ng Iran at dose-dosenang mga bansa sa buong mundo bago ito inilibing sa tabi ng dambana noong Huwebes.
Ang tila walang katapusang dagat ng mga nagdadalamhati, sino nagtipon mula pa madaling-araw, ay sumabay sa sasakyang may dalang pinagpalang mga labi, na nagbigay sa mga lansangan ng Mashhad ng isang tanawing walang kapantay sa kadakilaan at debosyon.
Hindi mailarawan ang lawak ng pagtitipon. Mula nang pumasok ang sasakyan ng libing sa Kalye ng Imam Reza, napalibutan ito ng alon ng mga nagdadalamhati na nagmula sa bawat sulok ng Iran, mga Kurd, mga Turko, mga Persiano, mga Arabo, at mga Lor, na nagkakaisa sa dalamhati at matatag na paninindigan.
Ang kanilang mga mukhang basang-basa ng luha at masisiglang sigaw ay umalingawngaw sa paligid, na lumikha ng kapaligirang inilarawan ng mga tagamasid bilang isa sa pinakakahanga-hangang pagpapakita ng pambansang pagkakaisa sa makabagong kasaysayan.
Umalingawngaw sa buong ruta ng prusisyon ang mga sigaw na "Kamatayan sa Amerika," "Kamatayan sa Israel," at "Kamatayan sa mga tumututol sa Pamumuno ng Hurista," na sumasalamin sa matatag na paninindigan ng mga mamamayan sa mga prinsipyong ipinaglaban ng bayani na pinuno sa buong buhay niya.
Nagwagayway sa mga lansangan ang mga pulang watawat ng paghihiganti na may nakasulat na "Ya Letharat al-Hussein" (O Mga Tagapaghiganti ni Hussein) kasama ng mga watawat ng Republikang Islamiko, bilang sagisag ng pagluluksa at matatag na hangaring makamit ang katarungan.
Kabilang sa mga nagdadalamhati, kapansin-pansin ang mga delegasyon mula sa iba't ibang mga pangkat etniko. Kitang-kita ang presensiya ng mga Sunni Muslim mula sa Sistan at Baluchestan, na nakasuot ng kanilang tradisyonal na puting kasuotan at naglakbay patungong Mashhad upang magbigay-galang.
Ang mga kinatawan mula sa lalawigan ng Chaharmahal at Bakhtiari, na nakasuot ng kanilang natatanging tradisyonal na kasuotan, ay taas-noong nagdala ng pambansang watawat sa gitna ng napakaraming tao.
Ang presensiya ng iba't ibang mga grupo ay naging matibay na patunay ng inklusibong pamana ng yumaong pinuno at ng malalim na pagkakaisang kanyang naitaguyod sa lahat ng mga sektor ng lipunang Iraniano.
Ang kahalagahan ng pangyayaring ito ay umabot nang higit pa sa mga hangganan ng Iran. Ang mga nagdadalamhati mula sa Afghanistan, Pakistan, India, Turkey, at Nigeria ay naglakbay mula sa iba't ibang mga bansa upang ipahayag na ang mensahe ng pagtutol sa pang-aapi, dignidad, kasarinlan, at dangal na itinaguyod ng bayani na pinuno ay lumampas sa mga hangganan at umantig sa mga puso sa buong mundo.
Isang lalo pang nakaaantig na sandali ang naganap nang magsalita ang isang peregrinong Canadiano sino naglakbay nang mahigit 10,000 na mga kilometro upang makadalo. Ibinahagi niya ang kanyang malalim na paggalang sa isang taong, ayon sa kanya, ay umabot ang impluwensiya nang higit pa sa anumang bansa.
Gayundin, isang peregrino mula sa India ang nagsabing labis na nasaktan ang mga Muslim sa buong subkontinente nang mabalitaan ang pagkabayani ng pinuno, dahilan upang magtungo sila sa Mashhad upang makibahagi sa makasaysayang pamamaalam na ito.
Kabilang din sa mga nagdadalamhati si Sheikh Ibrahim Zakzaky, pinuno ng Nigeriano na Kilusang Islamiko, na ang kanyang pagdalo ay nagbigay-diin sa pandaigdigang impluwensiya ng mensahe ng bayani na pinuno tungkol sa paglaban sa pang-aapi at kawalang-katarungan.
Narinig ang mga nagdadalamhati mula sa Turkey na sumisigaw ng "Labbaik Ya Seyyed Mojtaba" (Narito ako, O Seyyed Mojtaba), gayundin ang mga tagasunod mula sa Nigeria, na nagpapakita ng pandaigdigang lawak ng espirituwal at pampulitikang pamana ng yumaong pinuno.
Sa isang bahagi ng prusisyon, dahil sa sobrang dami ng tao, kinailangang baguhin ang ruta ng sasakyan mula sa Sangandaan Danesh patungo sa larangan ng putbol na Ferdowsi, kung saan gumamit ng helikopter upang ihatid ang pinagpalang mga labi sa dambana.
Sa buong prusisyon, pinatugtog sa mga laud-ispiker ang tinig ng bayani na pinuno, na nagdulot ng sama-samang pag-iyak ng napakaraming dumalo. Makikita rin ang mga plakard na may nakasulat sa Ingles na "Tayo'y tatayo hanggang dulo..." bilang pagpapahayag ng matatag na pasya ng mga tao na ipagpatuloy ang landas ng paglaban.
Pinangunahan ng panganay na anak ng bayani na pinuno na si Seyyed Mostafa Khamenei ang pagdarasal para sa mga yumao at nagsagawa ng ritwal ng pagdarasal para sa mga labi.
Napakalaki ng bilang ng mga dumalo kaya bukod sa mismong dambana, isinagawa rin ang mga panalangin sa mga lansangan ng Navvab Safavi, Tabarsi, at Shirazi, kung saan nagtipon ang hindi mabilang na mga nagdadalamhati.
Ang bayani na pinuno at ilan sa kanyang mga kapamilya ay nasawi sa isang pag-atakeng terorista noong Marso 9 na isinagawa laban sa kanyang tahanan ng Estados Unidos at ng rehimeng Zionista.
Kabilang sa mga nasawi ang asawa ng bagong Pinuno na si Ayatollah Seyed Mojtaba Khamenei, ang manugang ng yumaong pinuno, isang anak na babae ng yumaong pinuno, at ang kanyang 14-buwang gulang na apo. Nagsimula ang mga seremonya ng libing noong nakaraang Biyernes, na dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaan mula sa mahigit 45 na mga bansa at mga iskolar mula sa higit 90 na mga bansa.
Sinundan ito ng mga seremonya ng pamamaalam sa Mosalla ng Tehran noong katapusan ng linggo, kung saan milyun-milyong katao ang nagbigay-galang. Noong Martes, isinagawa ang prusisyon sa Tehran na dinaluhan din ng napakaraming mga tao, at noong Miyerkules ay ginanap ang mga seremonya sa Qom at sa Moske ng Jamkaran.
Nagpatuloy ang kahanga-hangang pagdalo sa pandaigdigang antas nang humigit-kumulang 10 milyong mga Iraqi ang nagtipon sa Najaf at Karbala noong Miyerkules upang magbigay-galang.
Kinumpirma ng mga opisyal ng Iraq na isa ito sa pinakamalalaking pagtitipon para sa libing sa makabagong kasaysayan. Dumalo rin ang mga lider na panrelihiyon at pampulitika mula sa buong Iraq, na nagpapakita ng matibay na ugnayan ng mga mamamayan ng Iran at Iraq na nabuo sa pamamagitan ng iisang pananampalataya at magkakatulad na mga pakikibaka.
Sa pagtatapos ng prusisyon sa paglilibing sa bulwagan ng pagdarsal ng Dar al-Dhikr, na matatagpuan malapit sa pinagpalang Rawdah at katabi ng bulwagan ng pagdarasal ng Dar al-Surur sa Patyo ng Azadi ng dambana, maaalala ang araw na ito bilang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa makabagong kasaysayan ng Iran.
Pinili ang lugar upang maging madaling puntahan ng mga susunod na mga peregrinong nais magbigay-galang. Ang presensiya ng mga nagdadalamhating may dalang mga bandilang kumokondena kay Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos at sumisigaw ng mga panawagang humihingi ng paghihiganti ay sumasalamin sa matinding hangarin ng mga mamamayan na panagutin ang mga responsable.
"Ang pumatay sa pinuno ay walang nararapat kundi ang bitayan / Walang kapatawaran," ang sigaw ng ilan, habang ang iba naman ay nananawagan ng "Paghihiganti, paghihiganti" mula sa sandatahang lakas. Kahit matapos ang opisyal na mga seremonya at sumapit ang gabi, patuloy pa ring nagtipon ang mga tao sa mga lansangan sa paligid ng dambana upang manalangin at ipakita ang kanilang debosyon.
Nanatiling nakawagayway ang pula at itim na mga watawat ng pagluluksa at paghihiganti, habang umalingawngaw sa mga lansangan ang mga salitang "Labbaik Ya Hussein" (Narito ako, O Hussein), na nagsisiguro na mananatili ang diwa ng makasaysayang pamamaalam na ito kahit matapos na ang mismong prusisyon.
Ang walang kapantay na pagpapakitang ito ng pambansang pagkakaisa at pandaigdigang pakikiisa ay hindi lamang nagbigay-pugay sa alaala ng isang minamahal na pinuno kundi muling nagpatibay sa matatag na paninindigan ng sambayanang Iraniano sa mga prinsipyo ng kasarinlan, paglaban sa pang-aapi, at katapatan sa mga adhikain ng Rebolusyong Islamiko.
Natagpuan na ng bayani na Pinuno ang kanyang walang hanggang himlayan, ngunit ang kanyang pamana at ang matatag na determinasyon ng kanyang mga tagasunod na ipagpatuloy ang kanyang landas ay nananatiling higit na buhay kaysa dati.