IQNA

Ang mga Nakamit na Qur’aniko ng Iran ay Ipapakilala sa Malaysia

10:29 - January 21, 2023
News ID: 3005060
TEHRAN (IQNA) – Lalahok ang Iran sa Piyesta ng Sining Qur’aniko na Pandaigdigan sa Restu sa Malaysia para ipakilala ang Qur’anikong mga nakamit at mga patakaran nito pati na rin ang bagong Qur’aniko na mga teknolohiya.

Ito ay ayon kay Reza Soltani Pasha, isang dalubhasa sa sining at kultura ng Qur’an sa Samahang Islamikong Kultura at mga Ugnayang (ICRO), sino nagsabi sa IQNA na ang pagdiriwang ay gaganapin sa Putrajaya mula Enero 20 hanggang 29.

Sinabi niya na isang delegasyon ng Iran na kinabibilangan ng Qur’anikong mga artista katulad nina Ali Jangi, Mohsen Soleimani, at Peyman Marvi pati na rin ang qari na si Ali Reza Bijani ang makikibahagi sa programa.

Si Mohammad Hatami, ang kinatawan ng Organisasyon Qur’aniko ng Iraniano na Akademiko ay bahagi rin ng delegasyon, sabi niya.

Sinabi ni Soltani Pasha na ang mga artista ay magsasagawa ng mga gawain sa panahon ng pagdiriwang upang ituro ang kanilang sining at ipakita ang kanilang mga gawa.

Idinagdag niya na ang isang video klip sa Ingles ay inihanda upang ipakilala ang Qur’anikong mga tagumpay at mga patakaran ng Islamikong Republika ng Iran sa pagdiriwang.

Ang mga kasapi ng delegasyon ay makikipag-usap din sa kilalang mga tao na Pang-Qur’an, mga aktibista at mga opisyal ng Malaysia sa kanilang pananatili sa bansa sa Timog-silangang Asya, dagdag niya.

Magkakaroon din ng mga pagtatalakay ng Qur’an at pagpupulong sa giliran ng pagdiriwang, ayon kay Soltani Pasha.

Sinabi pa niya na sa unang pagkakataon na ang isang delegasyon ng Iran ay nakibahagi sa Qur’aniko na pagdiriwang ng Malaysia.

Sinabi pa niya na ang Qur’aniko na mga mananaliksik at mga artist ng Malaysia ay binalak ding imbitahan na dumalo sa Pagtatanghal ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran gayundin sa Qur’anikong mga linggo sa Iran.

Ang Piyesta ng Sining Qur’aniko na Pandaigdigan sa Restu ay inorganisa ng punong-abala ng institusyong Malaysiano kabilang ang Restu Pundasyon gayundin ang mga dayuhang kasosyo katulad ng Sentro ng Pangkulturang Iraniano sa Malaysia at itatanghal sa Maraming Gusali ng Qur’an sa Nasyrul sa Putrajaya.

Iran’s Quranic Achievements to Be Introduced in Malaysia

Ang piyesta ay bukas sa publiko mula 9 AM hanggang 6 PM tuwing mga araw ng linggo at mula 9 AM hanggang 9 PM tuwing mga katapusan ng linggo (lokal na oras ng Malaysia).

Alinsunod sa isang inilabas na libro ng programa ng mga tagapag-ayos, ang kaganapan ay nagbibigay-daan sa mga panauhin na masaksihan ang espesyal na mga eksibisyon, at makipag-ugnayan sa Qur’an at mga sining ng Islam at mga produktong Islamiko na negosyante habang sinusubukang pagandahin ang imahe ng Islam bilang isang kasama at mapayapang relihiyon.

Ang pagpapakilala sa pangangalaga at kasaganaan ng Qur’an, pagluwalhati sa mga turo ng Islam, pag-iimbita sa komunidad na mahalin ang kaalaman at mga iskolar, paggamit ng modernong teknolohiya bilang isang mabisang daluyan ng pangangaral, at pagsisikap na ibalik ang komunidad ng Muslim sa kanilang tunay na pagkakakilanlan ay pinangalanan sa iba pang mga layunin ng kaganapan.

Isa sa mga layunin ng pagdiriwang ay ipakilala ang papel ng Nasyrul Quran Complex sa mga lokal at pandaigdigan na mga bisita. Ang maraming gusali, ayon sa website nito, ay ang pangalawang pinakamalaking sentro ng produksyon ng Qur’an sa mundo pagkatapos ng King Fahd Quran Printing Complex sa Medina. Ang pundasyon, na matatagpuan sa Putrajaya, isang lungsod malapit sa kabisera ng Malaysia ng Kuala Lumpur, ay isa ring nakakaakit na panturista na binibisita ng mga nagmamahal sa Qur’an at Qur’anikong sining mula sa buong mundo.

Ang 10-araw na pagdiriwang ay magkakaroon ng iba't ibang mga pagtatanghal katulad ng mga lumang kagamitan ni Propeta Muhammad (SKNK) at ng kanyang mga kasama, Kaaba Kiswa, nayong Qur’an, ang pinakamalaking Seerah na aklat sa mundo, at mga eksklusibong produkto ng Restu.

Kasama rin sa Piyesta ng Sining Qur’aniko na Pandaigdigan sa Restu ang maraming iba pang kaganapan katulad ng Halal pook, pamilihan na bazaar, piyesta ng animasyon, mga aktibidad ng mga bata (pagpipinta ng Batik), at pagtatahi sa mga piraso ng sining.

Ang mga panauhin ay maaari ring maglibot sa pabrika ng paglilimbag ng Banal na Qur’an habang tumatanggap din ng mga serbisyo para sa pagtatapon ng Qur’an at iba pang mga aklat na Islamiko.

Ang isang punong-abala ng sining ng gawan, mga kurso, at mga kumpetisyon ay nakatakda din sa kaganapan.

 

 

3482130

captcha