IQNA

Mga Surah ng Qur’an/106 Ang Pagbanggit ng Qur’an sa Buhay ng Pang-tribo sa Surah Al-Quraysh

4:16 - August 17, 2023
News ID: 3005898
TEHRAN (IQNA) – Ang buhay ng pang-tribo ay may espesyal na mga katangian. Ang isa sa mga pangunahing tampok ng gayong buhay ay ang malapit na ugnayan sa mga kasapi ng tribo at ito ay itinuro sa Surah Al-Qurasyh ng Qur’an.

Ang Al-Quraysh ay ang ika-106 na kabanata ng Qur’an na mayroong 4 na ma talata at nasa ika-30 Juz. Ito ay Makki at ang ika-29 na Surah na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

Itinuturo ng unang talata ang Tribong Quraysh at ang mga paglalakbay sa tag-inig at taglamig ng mga miyembro nito, at dahil dito ang pangalan ng kabanata.

Ang Quraysh ay isa sa pangunahing at pinakakilalang mga tribo sa Arabia at ang Banal na Propeta (SKNK) ay miyembro ng tribong ito.

Itinuturing ng maraming mga tagapagsalin ng Qur’an ang Surah Al-Quraysh bilang pagpapatuloy ng Surah Al-Fil. Sa Surah Al-Fil, itinuturo ng Qur’an ang mga banta ng mga kaaway at ang kanilang mga pagtatangka na sirain ang Ka'aba. Ngunit sa Surah Al-Quraysh, itinatampok nito ang kapayapaan at katahimikan na nakamit ng Tribong Quraysh sa Mekka, isang kapayapaan kung saan hinirang si Muhammad (SKNK) bilang Propeta ng Diyos at ipinalaganap ang Islam.

Ang ikalawang talata sa Surah Al-Qurasyh ay tumutukoy sa taglamig at tag-araw na mga paglalakbay ng mga miyembro ng tribo. Maglalakbay sila sa Yaman at Levant sa tag-araw at taglamig para sa kalakalan. Ang mga paglalakbay at aktibidad sa pangangalakal na ito ay nakatulong sa kanila na magkaroon ng mas magandang kalagayan sa pamumuhay at palakasin ang pagkakaibigan at pagkakaisa sa kanilang mga sarili.

Surah Al-Fil: Kapangyarihan ng Diyos na Ipinakita ng mga Ibon

Matapos mahirang si Muhammad (SKNK) bilang Propeta (SKNK), hindi na kailangan pang maglakbay ng mga Quraysh dahil ang mga tao mula sa iba't ibang panig ng lupain ay pupunta sa Mekka upang makita ang Banal na Propeta (SKNK) at doon din nila ipinagbili ang kanilang mga produkto at ang ang mga tao sa Mekka ay bibili ng anumang kailangan nila.

Ang Ka'aba, din, ay pinagmumulan ng pagpapala para sa Quraysh at binibigyang-diin ng Surah na dapat sambahin ng mga miyembro ng tribo ang Panginoon ng Bahay sino nagligtas sa kanila mula sa gutom at kawalan ng kapanatagan.                                                                                                                                             

"Kaya't sambahin nila ang Panginoon ng Bahay na ito, sino nagpakain sa kanila mula sa gutom at nagligtas sa kanila mula sa takot." (Talata 3-4)

                                         

3484780

captcha