IQNA

Ang Quranikong Seminar sa Iraq ay Tinatalakay ang Responsibilidad ng mga Mubaligh

4:56 - February 07, 2025
News ID: 3008029
IQNA – Isang Quranikong seminar na pinamagatang “Mubaligh (tagapangaral, tagapalaganap) sa Quran” ay ginanap sa Baghdad, ang kabisera ng Iraq.

Ang Pambansa na Sentro ng mga Agham na Pang-Quran na kaanib sa Iraqi Shia na Departamnento ng Awqaf ay nag-organisa ng pang-iskolar talakayan sa okasyon ng Pambansang Araw ng Quran at ang anibersaryo ng kapanganakan ni Imam Hussein (AS).

Isinagawa ito sa ilalim ng pangangasiwa ng matataas na Iraqi qari at direktor ng sentro na si Rafi al-Ameri.

Ang pangunahing tagapagsalita ay ang Quranikong iskolar na si Shima Yousr na nagpaliwanag sa konsepto ng pagpapalaganap ng relihiyon sa Islam.

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng mga pamamaraang pang-agham at teknolohikal sa diskarte ng mga tagapagpalaganap ng Quran.

Ang tabligh (panrelihiyon na pagpapalaganap) ay isang mahalagang responsibilidad na hindi maaaring palampasin, lalo na sa panahong ito kung saan nasasaksihan natin ang isang malaking rebolusyon sa komunikasyon ng media, sabi niya.

Idinagdag ng iskolar ng Quran na ang isang tagapagpalaganap ay dapat gumawa ng lahat ng pagsisikap na ipagtanggol ang mataas na mga prinsipyo at mga halaga ng Quran upang maprotektahan ang lipunan mula sa mga panlabas na impluwensya.

 

3491722

captcha