
Ang konsepto ng Ta’avon Ala al-Udwan (pagtutlungan sa pagsalakay) ay makikita rin sa iba pang mga talata ng Quran. Halimbawa, ang pagtutulungan sa pagsalungat sa Propeta (SKNK) ay isa sa mga halimbawa ng pagsalakay: “… kung kayo ay magtutulungan laban sa kanya, (malalaman ninyo na) si Allah ang kanyang Tagapangalaga, at si Gabriel, at ang mga matuwid sa mga mananampalataya (Ali ibn Abi Talib); at pagkatapos ay ang mga anghel bilang kanyang mga katuwang.” (Talata 4 ng Surah At-Tahrim).
Ang Banal na Quran ay nag-uutos din na iwasan ang mga pagtatalo at di-pagkakaunawaan, sapagkat anumang bagay na nagdudulot ng hidwaan ay nagpapahina sa sambayanan at sumisira sa karangalan nito.
Dahil dito, sinasabi ng Quran na iwasan ang pagtatalo sa isa’t isa sa pamamagitan ng pagsunod kay Allah at sa Kanyang Sugo (SKNK) at may kasamang pagtitiyaga: “Sundin ninyo si Allah at ang Kanyang Sugo at huwag kayong magtalo sa isa’t isa upang hindi mawala ang inyong tapang at manghina ang inyong loob. Magtiyaga kayo-kasama ng mga matiisin ni Allah.” (Talata 46 ng Surah Al-Anfal).
Ang kooperasyon at pagtutulungan sa pagitan ng mga indibidwal sa lipunan ay umuusbong kapag walang sama ng loob, inggit, o poot sa pagitan sa kanila at kapag sila ay malayo sa mga bisyo tulad ng paninira sa kapwa. Ipinapakita nito ang kapwa epekto ng pagtutulungan sa pagpapatatag ng mga birtud sa lipunan at ang masasamang epekto ng mga bisyo sa moralidad sa ugnayan ng pagtutulungan.
Ang karunungan sa likod ng maraming obligado o inirerekomendang mga batas ng Fiqh (panghurisprudensiya) ay upang maipalaganap ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa sa lipunan. Sa ilang sangay ng batas Islamiko, binanggit ng mga hurista ang talata tungkol sa pagtutulungan bilang halimbawa ng pagtutulungan sa kasalanan; halimbawa, ang pagbebenta ng mga armas o kalakal sa Kuffar Harbi (mga di-mananampalatayang nakikipagdigma), pangangalakal na nakabatay sa patubo (riba), pakikipagkalakalan sa taong gumagamit ng pera sa bawal na paraan, pagsasara ng bentahan sa oras ng pagdasal ng Biyernes, pagbebenta ng ubas, o pagpapaupa ng gamit para sa pagdadala ng alak ay mga halimbawa ng pagtutulungan sa kasalanan.