Ang mga ito ay gaganapin sa okasyon ng Ramadan at sa pagdiriwang ng Araw ng Manuskritong Arabiko na nakatakda sa Abril 4.
Ang mga kaganapan ay nagtataguyod ng pag-uunawa sa pangkultura at pagsasaliksik sa kasaysayan sa rehiyon at katayuan ng aklatan bilang pangunahing institusyon ng sanggunian ng Qatar para sa pamana at sibilisasyong Arabiko at Islamiko.
Sa Marso 30, ang QNL ay magpunong-abala ng isang onlayn na pandaigdigang seminar na pinamagatang "Mga Tradisyon na Manuskritong Qur’aniko: Mga Pagbabasa mula sa Qatar National Libray Collection."
Ang seminar ay magtitipon ng mga eksperto na pangpandaigdigan sino nag-aral ng mga tradisyon ng paggawa ng mga manuskrito ng Qur’an sa loob ng 14 na mga siglo at sa isang malawak na heograpikal na lugar at tututok din sa mga Qur’an mula sa paligid ng Islam. Tatalakayin ng panayam ang Qur’anikong mga manuskrito mula sa mayamang pagtitipon ng aklatan na may kaugnayan sa mahalaga, nauugnay na mga manuskrito mula sa iba't ibang mga pagtitipon sa buong mundo.
Ang buwanang aklatan na "Manuskrito na mga Pag-aaral na Panayam na mga Serye" sa pakikipagtulungan ng Sentro ng Manuskrito at Unibersidad ng Sultan Mohammed al-Fatih sa Istanbul, ay babalik sa Abril 11 kasama ang panayam na "Pag-aaral ng mga Manuskritong Qur’aniko: Isang Bagong Pamamaraan."
Ang panayam, na inihatid ni Mahmoud Zaki, Dalubhasa ng Manuskrito sa aklatan, ay magpapakilala sa mga kalahok sa bagong siyentipikong mga pamamaraan sa pag-aaral ng mga manuskrito ng Qur’an na kinabibilangan ng mga agham at mga disiplina sa pananaliksik katulad ng kasaysayan ng tekstong Qur’aniko, pag-aaral ng Qur’an, at kodikolohiya ng mga manuskritong Qur’aniko. .
Ang isang sesyon ng pagbigkas ng Qur’an ay gaganapin sa Abril 13, na magbibigay-daan sa mga kalahok na bigkasin ang Qur’an mula sa mga manuskrito mula pa noong una at ikalawang mga siglo ng Hijri. Ang pagbigkas ng sesyon ay pamamahalaan ni Ahmed Khaled Shukri, Propesor ng Qur’anikon mga Pag-aaral sa Unibersidad ng Qatar, sino sasamahan nina Ahmed Shaker, Mananaliksik sa Qur’anikong mga manuskrito, at si Mahmoud Zaki, Dalubhasa sa mga Manuskrito sa aklatan.
Sinabi ni Wassilena Sekulova, Hepe ng mga Manuskrito at mga Arkibo sa Qatar National Library, "Ang Pamana na Aklatan ay nagbibigay ng isang mayamang koleksyon ng mahahalagang makasaysayang mga teksto, mga manuskrito at bihirang data-x-na mga bagay na maaaring makamtan ng mga mananaliksik, mga mananalaysay at pangkalahatang publiko. Ang aming malawak na koleksyon ng Arabo at Islamiko na pamana ay mahalaga sa pagtataguyod ng pag-uunawa sa pangkultura at makasaysayang pananaliksik sa rehiyon, sa gayon ay nagpapatuloy sa misyon ang aklatan tungo sa pangangalaga at pagbabahagi ng Arabo at Islamiko na pamana para sa mga susunod na salinlahi."
Ang aklatan ay kasalukuyang naglalaman ng humigit-kumulang isang libong mga volume ng Quran, mula sa kumpletong mga manuskrito ng Quran hanggang sa mga indibidwal na hanay, na nahahati sa tatlumpung bahagi. Ang pinakamatanda sa mga ito ay mga fragment ng Quranikong nakasulat sa pergamino na itinayo noong ika-7 at ika-8 siglo ng kalendaryong Gregorian at mga manuskrito ng Quran na iniuugnay sa mga kilalang eskriba at calligrapher, kabilang sina Ahmed Karahisari, Umar al Aqta at Al Zubara Mushaf, na isinulat noong Qatar.
Sinabi ng Dalubhasa ng mga Manuskrito ng QNL, si Mahmoud Zaki, "Inaasahan namin ang pagbabahagi ng mahahalagang mga pananaw tungkol sa mga manuskrito ng Qur’aniko na batay sa aming mayamang koleksyon sa Aklatan ng Pamana. Ang aming mga kaganapan, na alin nagpuntarya sa mga akademya, dalubhasang mga mananaliksik at pangkalahatang publiko, ay naglalayong magbahagi ng kaalaman at pananaliksik sa mga tradisyon ng produksiyon, pagbabasa at pagsusuri ng Qur’anikong manuskrito. Layunin pa nilang ipakilala ang panloob na disiplina na pananaliksik na mga pamamaran kapag pinag-aaralan ang mga materyal na ito.