IQNA

Mga Surah ng Qur’an/35 Panimula ng mga Pangangalakal na Walang Pagkalugi sa Surah Fatir

13:53 - October 16, 2022
News ID: 3004669
TEHRAN (IQNA) – Ang sangkatauhan ay nangangailangan ng aktibidad at trabaho upang kumita ng pera para sa pagkakaroon ng buhay na puno ng kapayapaan at ginhawa. Ang Banal na Qur’an ay nag-anyaya sa mga tao sa pakikipagkalakalan kung saan walang mga pagkalugi at naghahatid sa kanila sa walang hanggang kapayapaan.

Ang Fatir ay ang pangalan ng ika-35 na kabanata ng Banal na Qur’an. Ito ay may 45 na mga talata at nasa ika-22 Juz. Ang Fatir, na alin Makki, ay ang ika-43 na Surah na ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK).

Ang pangalan nito ay nagmula sa salitang Fatir sa unang talata ng Surah. Ang ibig sabihin ng Fatir ay ang Lumikha ng mga langit at lupa. Ito rin daw ay nangangahulugan ng paglikha na walang anumang nauuna at naunang mga halimbawa. Ang ilan ay isinalin ito bilang makabagong paglikha o imbensiyon.

Ang Surah Fatir ay nagbabala sa mga tao laban sa malinlang na makamundong mga gawain at mga tukso ni Satanas. Inilalarawan nito ang mga tao bilang nangangailangan at ang Diyos ay hindi nangangailangan.

Upang makilala ng mga tao ang Diyos at magpasalamat sa Kanya, ang Surah ay nagsasaad ng ilang mga pagpapala na ibinigay ng Diyos sa mga tao, kabilang ang ulan, pagpili ng mapapangasawa, at pagkakaroon ng dalawang mga dagat, ang isa ay maalat at ang isa ay may sariwang tubig na magkatabi.

Pinag-uusapan din nito ang isyu ng muling pagkabuhay, ang ilang mga aspeto ng Araw ng Paghuhukom, at ang panghihinayang ng mga hindi naniniwala at ang kanilang pagnanais na bumalik sa mundong ito upang bumawi sa kanilang maling gawain.

Sa ilang mga talata nito, ang pagbigkas ng Qur’an, mga pagdarasal at pagbibigay ng limos ay tinukoy bilang mga pangangalakal na hindi nangangailangan ng pagkalugi.

Ang nilalaman ng Surah Fatir ay maaaring nahahati sa limang mga bahagi:

Ang isang pangunahing bahagi ng mga talata ay tungkol sa mga palatandaan ng kadakilaan ng Panginoon sa sansinukob at ang mga dahilan ng Tawheed (monotiyesmo).

Ang isa pang bahagi ay tumatalakay sa Tadbir ng Diyos (pagpapatakbo sa mundo) at paglikha ng tao mula sa dumi at mga yugto ng kanyang paglaki.

Ang isang bahagi ng Surah ay tungkol sa muling pagkabuhay at ang mga resulta sa kabilang buhay ng ating mga gawa sa mundong ito.

Ang ilang mga talata ay tumutukoy sa pamumuno ng mga propeta ng Panginoon at sa kanilang patuloy na pakikibaka laban sa matigas ang ulo na mga kaaway.

At ang isang bahagi ng mga talata ay nagbabanggit ng banal na mga babala at mga tagubilin sa iba't ibang mga bahagi na karagdagan sa naunang mga seksyon.

 

 

3480861

Related News
Name:
Email:
* Comment:
captcha