Ang unang araw ay nagsimula sa pagbigkas ng mga talata mula sa Qur’an ng Iranianong qari na si Ali Qassebadi bilang isang pandangal na mambabasa.
Pagkatapos, ang mga kinatawan ng Iraq, Canada, Afghanistan at Iran sa kategorya ng pagbigkas, Pakistan, Somalia, Oman, Bangladesh at Gambia sa pagsasaulo, at Denmark, Tajikistan at Iraq sa Tarteel, ay nagsagawa ng pagbigkas sa harap ng lupon ng mga hukom.
Kabilang sa limang mga magsasaulo, isa lang ang nabigo na makuha ang buong puntos sa Husn Hifz (magandang pagsasaulo), na alin nangangahulugan ng mahigpit na karera para sa pinakamataas na premyo sa kategoryang ito.
Ang pagganap ni Sheikh Mahmoud Hassan, isang magsasaulo na may kapansanan sa paningin mula sa Bangladesh, ay higit na nakaantig sa mga manonood sa bulwagan ng kumpetisyon kaysa sa iba.
Kasama rin sa programa noong Linggo ang pagtatanghal ng Tawasheeh (relihiyosong pag-aawit) ng grupong Habl al-Matin mula sa Lalawigan ng Zanjan.
Ang ilang mga opisyal ng Qur’an, kabilang ang direktor ng IRIB Qur’an TV at namamahala na patnugot ng International Quran News Agency ay kabilang sa mga manonood sa bulwagan ng kumpetisyon.
Ang seremonya ng pagpapasinaya ng Ika-39 na Paligsahan na Pandaidigan ng Banal na Qur’an sa Iran ay ginanap noong Sabado ng hapon kasabay ng Eid al-Maba'ath (pagmamarka ng paghirang kay Propeta Muhammad (SKNK) bilang huling Sugo ng Diyos).
May kabuuang 52 na mga kalahok mula sa 33 na mga bansa ang maglalaban-laban sa pangwakas na ikot ng kaganapan. Ang mga kumpetisyon ng mga kategorya ng kalalakihan ay gaganapin sa Pebrero 19-21 mula 3:30 hanggang 9:00 PM, lokal na oras, habang ang mga kategorya ng kababaihan ay gaganapin sa Pebrero 19-20 mula 9:00 AM hanggang 12:00 PM, lokal na oras.
Kasama sa mga kategorya ang pagsasaulo, pagbigkas at Tarteel para sa mga lalaki at pagsasaulo at Tarteel para sa mga babae.
Ang seremonya ng pagsasara ng kumpetisyon ay nakatakdang isagawa sa Miyerkules, Pebrero 22, kung saan dadalo ang Iraniano na Pangulo si Ebrahim Raeisi.
May kabuuang 149 na mga mambabasa at mga magsasaulo ng Qur’an mula sa 80 na mga bansa, kabilang ang 114 na kalalakihan at 35 na kababaihan, ang nakibahagi sa unang ikot.
Ang salawikain ng edisyong ito, katulad ng nauna, ay "Isang Aklat, Isang Ummah", isang patotoo sa kahalagahan na ang Islamikong Republika ng Iran ay nakakabit sa pagkakaisa at pagkakapatiran sa mga bansang Muslim.
Ang Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan ay taun-taon na nag-oorganisa ng paligsahan pandaigdigan sa Qur’an na may partisipasyon ng mga aktibistang Qur’an mula sa iba't ibang mga bansa.