Ang pagtatalakay na “Qur’anikong Diplomasya; Isang Huwaran para sa Pagtataas ng Pangkulturang Diplomasya ng Islamikong Republika ng Iran" ay ginanap noong Huwebes ng gabi doon sa pagtatanghal, na alin isinasagawa sa Imam Khomeini (RA) Mosalla (bulwagan ng pagdasal) sa Tehran.
Si Seyed Hassan Esmati, ang dating pangkultura na sugo ng Iran sa Tunisia at Senegal, ay isa sa mga tagapagsalita sa talakayan. Sinabi niya na ang Qur’aniko na diplomasya ay maaaring tukuyin bilang pagbabalangkas ng mga ugnayang pandaigdigan batay sa Qur’aniko na pag-uunawa.
Idinagdag niya na sa pagsasagawa, ang Qur’aniko na diplomasya ay nangangahulugan ng pagbibigay-priyoridad sa Qur’aniko na mga aktibidad sa mga dayuhang ugnayan sa mga larangan katulad ng edukasyon, pananaliksik at sining.
Ang Banal na Qur’an ay may natatanging kakayahan para sa pagsasaayos ng mga ugnayang pandaigdigan, sinabi ni Esmati.
Sinabi rin niya na sa personal na antas, ang Qur’anikong diplomasya ay maaaring magbukas ng bagong mga abot-tanaw para sa kasalukuyang tao.
Binigyang-diin pa niya ang pangangailangan para sa pagtataguyod ng Qur’anikong diskurso sa mundo at pagbubuo ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga mananaliksik ng Qur’an sa Iran at iba pang mga bansa.
Ang iskolar ng unibersidad na si Hujjat-ol-Islam Gholam Reza Behrouzi Lak at Pinuno ng Imam Hadi (AS) Shia Studies Specialized Center na si Hojat-ol-Islam Davoud Komijani ang iba pang mga dalubhasa na tumutugon sa talakayan.
Ang ika-30 edisyon ng Pagtatanghal ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan sa Tehran ay inilunsad noong Sabado at ang pandaigdigan na bahagi nito ay pinasinayaan makalipas ang dalawang mga araw.
Ang pandaigdigan na bahagi ay tatakbo sa loob ng sampung mga araw.
Ang mga artista at mga aktibista ng Qur’an mula sa 21 na mga bansa, kabilang ang Pakistan, Iraq, India, Russia, Tunisia, Algeria, Indonesia, Sri Lanka, Oman, Lebanon, Afghanistan, Malaysia, Kenya at Russia ay nakikibahagi sa pagtatanghal.
Pagsasalin ng Qur’an, tula at literatura, moske na gumagawa ng sibilisasyon, pamumuhay ng pamilya at Qur’aniko, mga bata, mga konsultasyon na nakabatay sa Qur’an, mga institusyong Qur’anikong mga katutubo, edukasyon sa Qur’an, pagsulong ng kultura ng Nahj al-Balagha, pagsulong ng Sahifeh Sajjadiyeh, mga pagbabago sa Qur’an, sining na panrelihiyon, at mga paglalathala na panrelihiyoson ay kabilang sa iba pang mga bahagi ng ekspo.
Ang kaganapan ay taun-taon na inorganisa ng Iraniano na Kagawaran ng Kultura at Islamikong Patnubay sa banal na buwan ng Ramadan, na may layuning itaguyod ang mga konsepto ng Qur’an at pagbuo ng mga aktibidad na Qur’aniko.
Ito ay nagpapakita ng pinakabagong Qur’anikong mga tagumpay sa bansa pati na rin ang iba't ibang mga produkto na nakatuon sa pagsulong ng Banal na Aklat.