IQNA

Nangangako ang Samahan ng Indianong mga Muslim na Hindi Makikipagkompromiso sa mga Relihiyosong Usapin

11:33 - June 24, 2023
News ID: 3005678
NEW DELHI (IQNA) – Ang pagtulak ng gobyerno ng India para sa isang pare-parehong kodigo sibil para sa lahat ng mga relihiyon ay binatikos ng pinakamalaking panlipunan-panrelihiyon na samahang Muslim sa bansa.

Tinanggihan ng Jamiat Ulama-e-Hind ang hakbang ng pamahalaan na humingi ng mga pananaw ng pampubliko at panrelihiyon sa Pare-parehong Kodigo Sibil, na alin nangangahulugang ang lahat ng tao, anuman ang rehiyon o relihiyon, ay sasailalim sa parehong hanay ng mga batas sibil.

Sinabi ng Jamiat Ulama-e-Hind sa isang pahayag na ang Pare-parehong Kodigo Sibil ay ganap na salungat sa kalayaan sa panrelihiyon at pangunahing mga karapatan na ginagarantiyahan sa mga mamamayan sa Artikulo 25, at 26 ng Konstitusyon at ang organisasyon ay magpoprotesta dito sa loob ng legal na balangkas.

Pinamamahalaan ng kodigo sibil ang kasal, diborsyo, pamana, at iba pang pangunahing mga isyu sa lipunan, at ang mga Muslim sa publiko ay nagprotesta laban sa mga pagbabago sa mga batas ng Islam, partikular na ang mga nauukol sa diborsyo, noong unang iminungkahi ng Komiyon ng Batas ng India ang mga ito noong 2018. Naglabas ang komisyon ng Papel sa Pangununsulta sa "Pagbago sa Batas ng Pamilya," kung saan nakasaad na "ang pagbuo ng Uniform Civil Code (UCC) ay hindi kinakailangan o kanais-nais sa yugtong ito."

Gayunpaman, hiniling ng komisyon noong Hunyo 14 sa publiko at rehistradong relihiyosong mga organisasyon na isumite ang kanilang pananaw sa kodigo sibil sa loob ng 30 na mga araw.

Jamiat Ulama-i-Hind, habang sinasalungat ang pinakahuling hakbang ng gobyerno nang walang pag-aalinlangan, ay nagsasabi na ito ay bahagi ng isang pagtatangka na pahinain ang kalayaan sa panrelihiyon ng mga mamamayan at ang orihinal na diwa ng Konstitusyon.

“Ang ating konstitusyon ay isang sekular na konstitusyon, kung saan ang bawat mamamayan ay binigyan ng ganap na kalayaan sa panrelihiyon, at binigyan din siya ng karapatang pumili ng relihiyon na kanyang pinili, dahil walang opisyal na relihiyon para sa estado ng India, at ito ay nagbibigay ng kumpletong kalayaan sa lahat ng mga mamamayan nito,” sinabi nito.

Sa isang pangmaramihan na lipunan katulad ng India, kung saan ang mga tagasunod ng iba't ibang mga relihiyon ay namumuhay sa kapayapaan at pagkakaisa na sumusunod sa mga turo ng kani-kanilang mga relihiyon sa loob ng maraming siglo, ang pahayag ay nag-angkin na ang ideya ng pamahalaan na magpataw ng kodigo sibil ay lumilitaw na "Artikulo 44 ng Konstitusyon ay ginamit sa pagkukunwari ng pag-iingat sa isang partikular na sekta upang iligaw ang karamihan.”

Sinabi ng Pangulo ng Jamiat Ulama-e-Hind na si Maulana Arshad Madani na ito ay isang bagay hindi lamang para sa mga Muslim kundi para sa lahat ng mga Indiano, na nanunumpa na hindi kompromiso sa mga gawaing panrelihiyon at pagsamba sa anumang paraan.

At ito ay lumalabag sa pangunahing mga karapatan na ginagarantiyahan ng Konstitusyon, hindi katanggap-tanggap sa mga Muslim, at nakakasira sa pagkakaisa at integridad ng bansa, dagdag niya.

 

3484052

captcha