Ang Topkapi na Museo ng Palasyo sa Istanbul, Turkey, ay naglalaman ng manuskrito na ito, ayon sa kaugalian na kredito sa ikatlong kalipa na si Uthman Ibn Affan (656 AD), sabi ni Taha Zahid Ozdemir, sino nagtatrabaho para sa Sentro ng Pagsusuri para sa Kasaysayang Islamiko, Sining at Kultura (IRCICA), Turkey.
Sa pagsasalita sa KTimes, idinagdag ni Ozdemir, "Ipinapakita namin ang isa sa pinakalumang mga Quran, ang orihinal na kopya mula sa Topkapi Museo ng Palasyo. Dahil ito ang kopya mula sa orihinal, samakatuwid, ito ay may mataas na kalidad."
Inihayag ang tagatangkilik dito, idinagdag niya, "Ang Qur’an na ito ay itinataguyod ng walang iba kundi si Sheikh Dr Sultan bin Muhammad Al Qasimi, Kasapi sa Matataas na Konseho at Namumuno ng Sharjah."
"Ang ilang kakaibang mga kopya ng Qur’an ay nasa Museo ng Topkapi sa Istanbul, isa sa Uzbekistan, isa sa Cairo, at isa sa Museo ng London."
Ayon sa kasaysayan, ipinadala ni Mehmed Ali Pasha, Gobernador ng Ehipto, ang manuskrito na ito sa Ottoman Sultan Mahmud II bilang regalo noong ika-19 na siglo (CE).
Sinasabi na ang maihahambing na mga iluminasyon ay maaari ding obserbahan sa Simboryo ng Bato (Dome of the Rock) sa Jerusalem, ang Moske ng Umayyad sa Damascus, at iba pang mga istruktura ng Umayyad.
“Kung may gustong bumili nito, binebenta rin namin ito. Ito ay malapit sa Dh13,000. Mayroon kaming dalawa sa mga ito sa UAE para sa Perya ng Aklat sa Sharjah. Ang isa sa limitadong mga edisyon ng Qur’an ay naibenta na. Maraming mga museo at mga aklatan ang nagpapakita ng interes na bilhin ito.”
Ang pagsusuri sa Topkapı Mushaf (tumutukoy sa isang nakasulat na kopya ng Qur’an) ay nagpapakita na ito ay isinulat gamit ang isang binagong titik sa Kupiko.
Sa pagbibigay-liwanag sa Qur’anikong manuskrito, kaligrapya, at mga titik, nagpatuloy si Ozdemir, “Ang mga hugis ng titik ay hindi umaayon sa istilo ng pagsulat na natagpuan sa sinaunang mga Mushaf na iniuugnay kay Kalip Uthman, na nakasulat sa vellum (balat ng hayop o lamad) noong panahon niya. Lumilitaw na ang pamamaraang ipinakilala ni Abu al-Aswad al-Du’ali na alin maaaring nilikha pagkatapos ng pagpanaw ni Kalip Uthman, ay maingat na sinundan nang magdagdag ng mga patinig sa kopya ng Palasyo ng Topkapı. Ang mga pulang tuldok ay inilagay sa itaas, sa tabi, o sa ibaba ng mga titik."
"Napakakaunti sa mga orihinal na nilikha at ito ay ipinamahagi sa iba't ibang mga rehiyon upang malaman ng mga tao ang tungkol sa Qur’an. Kung hindi namin maibenta ang pangalawang kopya, ibabalik namin ito sa aming sentro sa Istanbul. Ibinebenta rin namin ito onlayn, bagama't bahagi ito ng aming limitadong edisyon."