IQNA

Kilalang mga Iskolar ng Mundo ng Muslim/31 Unang Akademikong Pagsasalin ng Qur’an sa Bulgariano

11:12 - November 12, 2023
News ID: 3006251
TEHRAN (IQNA) – Ang unang akademikong pagsasalin ng Banal na Qur’an sa wikang Bulgariano ay iniharap ni Tsvetan Teophanov, isang propesor ng Unibersidad ng Sofia.

Natutunan ni Teophanov ang tungkol sa wikang Arabik sa pamamagitan ng pagkakataon at ito ay humantong sa pangunahing mga pag-unlad sa kanyang buhay.

Ipinanganak siya sa Sofia, ang kabisera ng Bulgaria, noong 1952. Noong siya ay isang binata na estudyante, minsan ay nakakita siya ng isang libro sa Arabik sa isang pamilihan ng aklat. Naakit siya sa mga salita at titik ng Arabik at naging interesado sa pag-aaral ng wika.

Noong 1972, sa edad na 20, pumunta siya sa Iraq upang mag-aral ng Arabik sa Unibersidad ng Baghdad.

Pagkatapos bumalik sa kanyang bansa, naging propesor siya sa Unibersidad ng Sofia, nagtuturo ng luma at modernong panitikan ng Arabik, pilosopiya at sibilisasyon ng mundo ng Arabo.

Nagsalin din siya ng iba't ibang mga gawa mula sa Arabik tungo sa Bulgariano.

Kalaunan ay nakuha ni Teophanov ang kanyang PhD mula sa Institute of Oriental Studies ng Russian Academy sa Moscow at noong 1992 ay naging direktor ng Sentro para sa mga Kultura at mga Wika ng Silangan sa Unibersida ng Sofia.

Noong 1992, noong isinasalin niya ang Qur’an sa Bulgariano, niyakap niya ang Islam at sa parehong taon ay naging pinuno ng Departamento ng Islamiko sa Sofia. Sa kasalukuyan ay miyembro siya ng US Orientalists Society at ng British Society for Middle Eastern Studies.

Si Teophanov ay inanyayahan ng isang tahanan ng paglalathala sa Bulgaria na isalin ang Qur’an sa panahon na ang komunismo ay namuno sa bansa at ang mga aktibidad sa panrelihiyon ng mga Muslim ay pinaghihigpitan. Ang Partido Komunista ng Bulgaria, bagaman, ay tinukoy ang pagsasalin ng Qur’an bilang isang gawaing etniko at hindi isang panrelihiyon na gawain.

Sinimulan niya ang pagsasalin noong 1987 at inabot siya ng tatlong mga taon upang makumpleto ngunit ginawa niyang muli ang pagsasalin at pagkaraan ng sampung mga taon ay ipinakita niya ang isang Bulgariano na bersyon ng mga kahulugan ng Qur’an.

Magbasa pa:

  • Mga Pagkakaiba sa Pranses na mga Pagsasalin ng Qur’an

Nakaharap siya sa iba't ibang mga problema sa panahon ng pagsasalin, kabilang ang kahirapan sa paghahanap ng mga katumbas para sa ilang mga salita, mga parirala, mga pangalan at mga termino na wastong makapagbibigay ng kahulugan.

Ang kanyang gawain ay hindi ang unang pagsasalin ng Qur’an sa Bulgariano dahil ang isang pagsasalin ay nailathala sa Bulgaria noong 1944 bago ang mga Komunista ang kumuha ng kapangyarihan sa bansa. Ang gawaing iyon ay isinalin hindi mula sa Arabik kundi mula sa Ingles at naglalaman ng mga pagkakamali.

Sa kanyang trabaho, binigyang-pansin ni Teophanov ang mga pagsasalin ng Qur’an sa Ingles, Ruso, Pranses at Aleman at sinubukang mag-alok ng pagsasalin na nagpapakita ng mga kahulugang malapit sa mga nasa Banal na Aklat.

Ang kanyang gawa ay ang unang akademikong pagsasalin ng Qur’an sa Bulgariano at ang tanging ineendorso ng Dar al-Ifta ng mga Muslim ng Bulgaria.

 

3485951

captcha