Ang mga kalaban mula sa Senegal, Afghanistan, Iran, Canada, Nigeria, Oman, US, Sri Lanka, Indonesia, Pakistan at Singapore ay nagpakita ng kanilang talento at mga kasanayan sa Quran noong Lunes, ang huling araw ng kumpetisyon sa bahaging ito.
Tuloy-tuloy sa Martes ang kaganapan sa bahagi ng kalalakihan sa mga kategorya ng pabigkas at pagsasaulo.
Ang huling yugto ng Ika-40 na Pandaigdigan na Paligsahan sa Quran ng Iran ay inilunsad sa Tehran noong Huwebes at tatakbo hanggang Pebrero 21.
Magbasa pa:
May kabuuang 69 na mga magsasaulo at mga mambabasa mula sa 44 na mga bansa ang nakikipagkumpitensiya sa mga panghuli sa pangunahing mga kategorya ng pagbigkas ng Quran (para sa mga lalaki) at pagsasaulo ng Quran at pagbigkas ng Tarteel (para sa mga lalaki at mga babae).
Ang taunang kaganapan, na inorganisa ng Samahan ng Awqaf at Kawanggawa na mga Kapakanan, ay naglalayong itaguyod ang Quraniko na kultura at mga pagpapahalaga sa mga Muslim at ipakita ang mga talento ng ma mambabasa at mga magsasaulo sa Quran.