Sabi niya, ilang mga dekada nang inaapi ng rehimeng Israel ang mga Palestino at nilalabag ang kanilang mga karapatan at nag-reak sila dito.
Sa pagsasalita sa isang pakikipanayam sa Anadolu Agency, sinabi ni Mahatir sa isang malawak na bahagi sa mga bansang Kanluranin na ang "mga pangunahing halaga," kabilang ang karapatan at kabanalan ng buhay, ay inabandona ng mga bansang US at Uropiano sa Gaza Strip.
Si Mahathir, sino nanguna sa Malaysia ng tatlong beses bilang isa sa pinakamatagal na punong ministro sa mundo, ay nagsabi sa Anadolu sa isang panayam na kailangan ng mga pagbabago sa UN, gayundin sa loob ng Organization of Islamic Cooperation (OIC), upang harapin. karaniwang mga problema na nakakaapekto sa mundo, kabilang ang Palestine.
Sa pagtatapos ng digmaan ng Israel sa Gaza, si Mahathir, 98, ay nagreklamo na "wala nang sibilisasyon."
"Nararamdaman ko na ang nangyayari sa mga Palestino sa Gaza ay isang bagay na hindi inaasahan ng sinuman."
Ngunit ipinaglaban ni Mahathir na ang mga Palestino ay tumugon sa patuloy na pang-aapi ng Israel.
“Sa loob ng 70 na mga taon, inaapi ng mga Israel ang mga Palestino. Talagang nagtayo sila ng mga pamayanan sa lupain ng Palestino. Nagtayo sila ng mga pader sa lupain ng Palestino.
“Kinuha nila ang Jerusalem al-Quds bilang kanilang kabisera. Ang lahat ng mga bagay na ito ay labag sa pandaigdigan na batas at laban sa mga Palestino," sinabi niya.
Idinagdag ng politiko ng Malaysia: “Kung aapihin mo ang mamamayang Palestino, ang mamamayang Palestino ay may karapatang kumilos laban sa Israel, at sa palagay ko iyon ang ginawa nila noong ikapito ng Oktubre noong nakaraang taon ang Operasyon ng Pagbaha ng Al-Aqsa.”
Ang Israel, na binabalewala ang isang panukala ng Konseho ng Seguridad ng UN na humihiling ng agarang tigil-putukan, ay nahaharap sa pandaigdigan na pagkondena sa gitna ng patuloy nitong malupit na opensiba sa Gaza mula noong Oktubre 7, 2023.
Halos 37,900 na mga Palestino na ang napatay, karamihan ay mga babae at mga bata, at humigit-kumulang 87,000 iba pa ang nasugatan, ayon sa lokal na mga awtoridad sa kalusugan.
"Kung ang Israel ay may karapatang tumingin sa seguridad, gayon din ang mga Palestino," sabi ni Mahathir.
Ang suporta ng US, EU para sa Israel ay nagpapakita na hindi nila pinahahalagahan ang mga karapatang pantao, kalayaan.
Sinabi ni Mahathir na sa loob ng ilang mga siglo, “ang sangkatauhan ay nakabuo ng mga pagpapahalaga, pangunahing mga pagpapahalaga, na tinatanggap nating lahat” at kabilang dito ang karapatan ng tao, ang karapatan sa buhay, ang kabanalan ng buhay, at ang kalayaan mula sa pang-aapi at malayang pananalita.
“Ito ang mga bagay na tinatanggap natin at pinahahalagahan natin. Ngunit medyo malinaw na noong ang mga Israel ay gumawa ng pagpatay ng lahi laban sa mga Palestino sa Gaza, ang suporta na ibinigay ng Amerika at ng mga bansang Uropiano ay nagpapakita na hindi nila pinanghahawakan ang pangunahing mga halaga na pinag-uusapan natin," sabi ng beteranong politiko ng Malaysia.
Magbasa pa:
• US-Israel na Pakikipagtulungan sa Pagpatay ng Lahi upang Hubugin ang Pandaigdigan na Imahe ng Amerika
Sinabi ni Mahathir na ang US at ang mga bansa sa EU ay "hindi nag-iisip tungkol sa mga karapatang pantao, hindi nila iniisip ang tungkol sa kabanalan ng buhay, at talagang tinutulungan nila ang mga Israel na gumawa ng pagpatay ng lahi sa pamamagitan ng pagbibigay sa Israel ng mga armas, ng mga bomba at mga raket para patayin ang mga Palestino.”
Ang mga bansang Kanluranin ay "tinalikuran ang mismong mga pagpapahalaga na kanilang itinaguyod sa nakaraan, mga pagpapahalagang nagpapakita na ang sangkatauhan ay umabot sa isang tiyak na antas ng sibilisasyon kung saan tayo ay labis na nag-aalala tungkol sa mga karapatan ng mga tao at buhay ng tao," sabi ni Mahathir.
"Ibig sabihin, isang sibilisasyon na patas, sumusunod sa tuntunin ng batas, walang pag-uusig, kalayaan, atbp., lahat ng iyon ay ibinagsak ng mismong mga tao sino nag-isip ng mga pagpapahalagang ito. … Tinalikuran nila ang sarili nilang mga pinahahalagahan.”
Tanggalin ang UN ng kapangyarihang beto
Sa mga kabiguan ng UN na ipatupad ang mga desisyon nito sa Gaza sa nakalipas na walong mga buwan ng digmaan, sinabi ni Mahathir na ang ideya na magkaroon ng pandaigdigang samahan ay "mabuti," ngunit "ito ay iginuhit lamang ng mga nanalo, ang mga bansang nanalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.”
Sinabi niya na ang mga nanguna sa pagtatatag ng UN ay "nagbigay sa kanilang sarili ng ilang pribilehiyo, mga kapangyarihan sa pag-veto."
"Ibig sabihin, kahit gaano karaming tao, gaano karaming mga bansa ang sumusuporta sa isang panukala, maaari nilang i-beto ang kapangyarihan. .… Doon nabigo ang United Nations,” paliwanag niya, na tinutukoy ang beto ng US sa ilang mga panukala ng UN tungkol sa Gaza na naglalayong itigil ang digmaan.
Bilang suporta sa kanyang panawagan para sa isang UN na walang kapangyarihan sa pag-beto, sinabi ni Mahathir na ang samahan ng mundo ay "nagawa ng isang mahusay na trabaho" sa ilang mga lugar, kabilang ang medisina at pagtulong sa pamamahagi ng pagkain.
Magbasa pa:
· Gaza: Iniulat ng Pangkat ng mga Karapatan ang 'Mga Patayan' sa Shujayea
"Ngunit sa mga tuntunin ng pagtiyak na walang mga digmaan, walang pagpatay, na ang United Nations ay nabigo, dahil ang limang mga bansa na may mga kapangyarihan sa pag-beto ay karaniwang tatanggihan ang anumang bagay na wala sa kanilang sariling interes," sabi niya.
Pagbabago sa OIC
Nang hindi tinukoy, sinabi ni Mahathir na maraming mga bansang Islamiko" ay hindi naging malakas sa mga tuntunin ng kanilang pamamahala sa kanilang mga bansa."
"Dahil diyan, maraming karahasan, kahit digmaang sibil, sa mga bansang Islamiko," sabi niya. "At dahil dito, ang mga bansang Islamiko ay hindi mapangasiwaan ng maayos ang kanilang mga gawain."
Sinabi ng beteranong Malaysiano na ang mga bansang Islamiko ay "maraming pera, ... dahil mayroon silang langis at kumikita sila mga tolenadang pera."
Ngunit, ikinalulungkot niya, "ang pera ay hindi ginagastos sa pagpapalakas ng pag-aalala ng kanilang bansa."
"Sa katunayan, karamihan sa pera ay ginagamit upang bumili ng mga bono ng dolyar. Ang pagbili ng mga dolyar na bono ay katulad ng pagpapahiram ng pera sa US, at kung ano ang ginagawa ng US sa pera ay hindi mabuti para sa mga bansang Muslim," angkin niya.
Ipinipilit ang pangangailangan na magpasimula ng mga reporma sa OIC, sinabi ni Mahathir na ang mga desisyon sa loob ng pangkat ng Muslim ay "maaari lamang maipasa kung may pinagkasunduan."
"Iyon ay upang sabihin ang anumang panukala na ginawa ng OIC, ay dapat na sang-ayunan" ng lahat ng 57 bansang mga kasapi, sinabi niya.
"Kung ang isang bansa ay hindi sumasang-ayon, kung gayon ang panukala na iyon ay hindi maisakatuparan."
"Kaya, may pangangailangan para sa amin na bumalik sa desisyon ng mayorya, hindi sa pamamagitan ng pinagkaisahan," inirerekomenda niya.
"Kung gagawin mo iyon, marahil ay maaari tayong maabot ang ilang kasunduan sa ilang mga isyu, halimbawa, sa pagtatanggol ng Muslim ummah," sabi niya.
"Malinaw, mayroon kaming pera, mayroon kaming lakas-tao, ngunit hindi kami organisado upang protektahan ang mga Muslim."
Takot sa mga parusa ng US
Sinabi ni Mahathir na ang Israel ay gumagawa ng mga krimen na pandaigdigan katulad ng pagpapahinto ng mga barko sa mataas na mga dagat na alin "hindi ayon sa Batas ng Dagat."
“Nakita ninyo, nasa mga tubig na pandaigdigan kayo, malaya kayo. Ngunit pinahinto ng Israel ang mga barko sa mga tubig na pandaigdigan at kinuha ang kanilang mga kargamento," dagdag niya.
"Ang problema na mayroon tayo ay nilikha ng mga Uropiano ang Israel, at ngayon ay nais nilang ipagtanggol ang Israel, kahit na ang Israel ay gumawa ng mga krimen."
Kinikilala na ang mga parusa ay nagkakahalaga ng mga bansa, sinabi ni Mahathir: "Wala tayong magagawa, dahil ang US ay isang napakalakas na bansa, at kung lalaban kayo sa US, maaaring maglapat ang US ng mga parusa laban sa inyo."
“Kung Israel lang, pwede tayong kumilos laban sa Israel. Ngunit ngayon ay mayroon tayong hindi lamang US, ngunit ang mga bansang Uropiano ay sumusuporta sa Israel sa kanilang pagpatay ng lahi, at kung tayo ay kikilos laban sa Israel, maaari tayong maparusahan ng Amerika at ng mga bansang Uropiano," sabi niya.
"Karamihan sa mga bansa ay hindi handang tumanggap ng maging maparusahan nila dahil ito ay nakakasira para sa kanilang ekonomiya," dagdag niya.
Pag-asa ng kabataan, bagong pamunuan
Si Mahathir, sino magdiriwang ng kanyang sentenaryo sa susunod na dalawang mga taon, gayunpaman, ay nakakuha ng isang nota ng optimismo sa lumalaking kabataang salinlahi na "nakikita ang mga bagay kung ano sila."
Ang mga kabataan ay "hindi naiimpluwensyahan ng kanilang sariling pamahalaan," ang sabi ni Mahathir, na binanggit ang malawakang kilusan ng kabataan sa buong mundo habang ang mga pamahalaan ay pumanig sa Israel.
“Hindi sila laban sa mga Hudyo. Hindi sila anti-Semitiko. Tutol lang sila sa aksiyon ng Israel sa Gaza na pumapatay ng mga tao,” sabi niya.
Sinabi ni Mahathir: "Mayroon tayong pag-asa na tatanggihan ng mga kabataan ang mga patakaran ng kanilang sariling pamahalaan at ibagsak ang kanilang sariling pamahalaan, at dapat nating makita ang bagong pamumuno na magmumula sa mga kabataan na mananatili sa kanilang pangunahing mga halaga, ... tungkol sa karapatang pantao, tungkol sa kalayaan, tungkol sa kalayaan sa pamamahayag, tungkol sa kawalan ng panuntunan ng batas, atbp.
"Kung sinusuportahan ng gobyerno ang Israel, mayroon tayong pag-asa para sa mga kabataan na mapanatili ang magagandang halaga, upang maibalik natin ang ating sibilisadong mga halaga na nawala ng kanilang mga pinuno."
Ang mga kabataan ay "nagbibigay sa atin ng pag-asa," sabi ni Mahathir, at idinagdag: "Pagkatapos, sa hinaharap, maaari tayong makahanap ng mga kabataang lider na magbabalik ng sibilisadong mga halaga na dati nating itinataguyod."
Hinihimok ang kabataan na makinig sa mga brodkas sa Anadolu, sinabi ni Mahathir: "Malalaman nila na kahit na sila ay mga mamamayan ng ilang (ibang) mga bansa, ngunit kapag nagkamali ang kanilang gobyerno, dapat nilang sabihin sa gobyerno na ito ay mali, at dapat nilang ipakita. laban sa gobyerno, kahit na magpadala ang gobyerno ng pulis para kumilos laban sa kanila.”