IQNA

Kampanya na Naglalayong Magbigay ng 40 na mga Tonelada ng Yelo para sa mga Peregrino ng Arbaeen

17:12 - July 30, 2024
News ID: 3007305
IQNA – Isang kampanya sa Iran ang nakatakdang mag-suplay ng 40 na mga toneladang yelo para sa mga peregrino sa panahon ng prusisyon ng Arbaeen.

Ang seremonya ng pagluluksa ng Arbaeen, na alin ginugunita ang ika-40 araw pagkatapos ng Ashura at ang pagkamartir ni Imam Hussein (AS), ay inaasahang magaganap sa Agosto 25 ngayong taon, sa gitna ng tumataas na mga temperatura sa mundo.

Plano ng mga tagapag-ayos ng kampanya na gumawa ng yelo sa kanlurang mga lalawigan ng Iran sa hangganan ng Iraq at dalhin ito sa Iraq gamit ang espesyal na mga trailer.

Nilalayon ng inisyatiba na magpadala ng 40 na mga trailer, bawat isa ay may dalang humigit-kumulang isang toneladang yelo.

Gagamitin ang yelo upang magbigay ng malamig na inumin sa mga peregrino at para suportahan ang mga sistema ng pampalamig ng hangin, na tumutulong na mabawasan ang panganib ng mga heat stroke (pag-atake dahil sa masyadong init) sa panahon ng kaganapan.

Noong nakaraang taon, humigit-kumulang 22 milyong mga peregrino ang lumahok sa prusisyon, kabilang ang 4 na milyong mga Iraniano. Tinatayang nasa 10,000 na mga peregrino ang dumanas ng heat stroke (pag-atake dahil sa matinding init).

Ngayong taon, mahigit 43,500 Iraqi at Iraniano na mga moukeb ang mag-aalok ng mga serbisyo, pagkain, at sariwang tubig sa mga peregrino.

 

3489274

captcha