"Ang mga kababaihan ay may karapatang pumili kung paano nila gustong manamit," isinulat ni Rahimi, sino nakibahagi sa seremonya ng pagbubukas ng Paris 2024 noong Biyernes, sa isang post sa Instagram. “May hijab man o wala. Pinili kong magsuot ng hijab bilang bahagi ng aking relihiyon at ipinagmamalaki kong gawin ito.”
Si Rahimi ang unang babaeng Muslim na boksingero na kumatawan sa Australia sa Olympics. Ang 28-taong-gulang, mula sa Bankstown sa timog-kanlurang Sydney, ay nagsusuot ng mahabang manggas at isang hijab sa ilalim ng proteksiyon na gora (headgear) sa kumpetisyon, iniulat ng The Guardian noong Linggo.
"Hindi ninyo dapat kailangang pumili sa pagitan ng iyong mga paniniwala/relihiyon o iyong paglalaro," dagdag ni Rahimi. "Ito ang pinipilit na gawin ng mga atletang Pranses."
Ang pagbabawal sa hijab ng Pransiya ay nalalapat lamang sa mga atletang Pranses na nakikipagkumpitensya sa Mga Laro – hindi ito nalalapat sa bumibisitang mga kakumpitensya. Nalalapat ang pagbabawal sa mga paglalaro kabilang ang putbol, basketball, volleyball at boxing, at sumasaklaw sa lahat ng antas ng kumpetisyon, kabilang ang mga amateur na kaganapan.
Magbasa pa:
· Pagbawal ng Hijab ng Pransiya vs Olympics 2024: Isang Silipin
"Kahit ano ang hitsura mo o pananamit, ano ang iyong etnisidad o kung anong relihiyon ang iyong sinusunod," sabi ni Rahimi sa kanyang post. “Lahat tayo ay nagsasama-sama para makamit ang isang pangarap. Para makipagkumpetensya at manalo. Walang dapat na ibukod. Ang diskriminasyon ay hindi tinatanggap sa paglalaro, lalong-lalo na sa Olympics at kung ano ang ibig sabihin nito."
Noong Hunyo, isang koalisyon ng mga grupo kabilang ang Human Rights Watch at Amnesty International ang sumulat sa International Olympic Committee na kinondena ang pagbabawal at hinihimok ang panghihimasok ng IOC.
"Ang mga pagbabawal na ipinataw ng mga awtoridad sa palakasan ng Pransiya ay may diskriminasyon at pinipigilan ang Muslim na mga atleta sino nagpasya na magsuot ng hijab mula sa paggamit ng kanilang karapatang pantao na maglaro ng paglalaro nang walang anumang uri ng diskriminasyon," sabi ng liham. "Ang mga pagbabawal ay lumilipad din sa harap ng mga kinakailangan sa karapatang pantao para sa mga bansang punong-abala at ang IOC na Estratehikong Balangkas sa Karapatang Pantao, gayundin ang pagiging kontra sa pangunahing mga prinsipyo ng Olympismo."
Bago ang seremonya ng pagbubukas, ang Pranses na mabilis na takbuhan sa malapitang distansiya (sprinter) na si Sounkamba Sylla ay nasa panganib na hindi makasali dahil sa kanyang talukbong sa ulo; sa huling minuto, isang kompromiso ang naabot kung saan tinakpan ni Sylla ang kanyang buhok ng isang takip, na nagpapahintulot sa kanya na sumali sa seremonya.
Ang Pransiya ay may mahabang kasaysayan ng paghahangad na ayusin o ipagbawal ang pagsusuot ng mga bagay na panrelihiyon, na may katwiran sa pampulitika sa pangalan ng laïcité (sekularismo).
Gagawin ni Rahimi ang kanyang Olympic pasinaya sa Biyernes sa dibisyon ng featherweight ng kababaihan. Nanalo siya ng tanso para sa Australia sa 2022 Commonwealth Games sa Birmingham, at ang naghaharing Pacific Games champion.