IQNA

Paglikha ng Pagkakaisa sa Lipunang Islamiko/1 Paglikha ng Pagkakaisa sa Lipunang Islamiko; Karaniwang Pagdulog ng Banal na Propeta at Imam Sadiq

17:27 - October 02, 2024
News ID: 3007549
IQNA – Ang ika-17 araw ng lunar Hijri na buwan ng Rabi al-Awwal ay ang anibersaryo ng kaarawan ng Banal na Propeta (SKNK) at Imam Sadiq (AS), ayon sa mga Shia Muslim.

Ang dalawang kilalang tao sino ito na maliwanag na mga bituin ng kasaysayan ng sangkatauhan ay parehong hindi nagkakamali at sumunod sa parehong Seerah.

Ang isang namumukod-tanging karaniwang punto sa mga Seerah ng dalawang dakilang tauhan na ito sa pakikitungo sa mga Muslim sa lipunang Islam, maging ang mga hindi sumasang-ayon sa kanila, ay ang paglikha ng pagkakaisa sa lipunang Islamiko.

Parehong ginawa ng Banal na Propeta (SKNK) at Imam Sadiq (AS) ang paglikha ng pagkakaisa at kaugnayan sa mga Muslim bilang kanilang pangunahing estratehiya sa pamamahala ng lipunang Islamiko at pakikitungo sa mga Muslim at mga mananampalataya. Ito ay habang kapwa naninirahan sa isang lipunan kung saan ang ilan o karamihan ng mga tao ay hindi sumasang-ayon sa kanila ngunit hindi iyon naging dahilan upang talikuran ng dalawang mahuhusay na mga tao ang pamamaraang ito.

Tungkol naman sa Banal na Propeta (SKNK), ang unang katotohanan na dapat bigyang-diin ay ang pagdadala niya sa lipunan ng isang ganap at komprehensibong relihiyon na tinatawag na Islam. Sa Banal na Quran, na alin ipinahayag sa Banal na Propeta (SKNK), ang paglikha ng pagkakaisa sa mga miyembro ng Islamikong lipunan ay isang pangunahing estratehiya. Halimbawa, ang Quan ay nagsabi, “At kumapit nang mahigpit sa Tali ni Allah, nang sama-sama, at huwag magkalat. Alalahanin ang Biyaya ng Allah na ipinagkaloob sa inyo noong kayo ay mga kaaway, at kung paano Niya pinagbuklod ang inyong mga puso, upang sa Kanyang Biyaya kayo ay naging magkakapatid." (Talata 103 ng Surah Al Imran)

O sa Talata 46 ng Surah Anfal, sinabi ng Diyos, “Sundin ang Allah at ang Kanyang Sugo at huwag kayong mag-alitan sa isa't isa at baka mawalan kayo ng lakas ng loob at manghina ang inyong pasya. Magkaroon ng pagtiyaga sa Allah ay kasama ng mga matiyaga."

Karaniwan, ang pangalang Islam na ibinigay sa relihiyong ito ay tumutukoy sa orihinal nitong kahulugan sa paglikha ng kapayapaan at pagkakaisa. Ang ugat ng salitang Islam ay 'silm' na alin nangangahulugang kapayapaan, pagkakaibigan at integridad. Ang Quran ay nagsabi sa Talata 208 ng Surah Al-Baqarah, “Mga mananampalataya, kayong lahat, pumasok sa Silm (ang kapayapaan) at huwag sumunod sa mga yapak ni Satanas; malinaw na kaaway mo siya." Binibigyang-diin ng talatang ito ang pangunahing prinsipyo ng Islam sa larangang panlipunan, na alin lumilikha ng kapayapaan, pagkakaibigan at pagkakaisa sa lipunang Islamiko at pagpigil sa hindi pagkakasundo at pagkakawatak-watak nito.

Sa Seerah ng Banal na Propeta (SKNK) makikita natin na gumawa siya ng malaking pagsisikap upang lumikha ng kaugnayan at pagkakaisa sa lipunan. Sa iba't ibang mga panahon, itinatag niya ang Aqd al-ukhuwwah (mga kasunduan ng kapatiran) sa mga Muslim, lalo na sa pagitan ng Muhajirun at Ansar.

Isa sa panlipunang mga pagtatalo sa lipunan ng Medina noong panahong iyon ay sa pagitan ng Muhajirun at Ansar, at ang pagtatalo na ito ay may potensiyal na lumikha at magpagana ng mga pagkakaiba at pagtatalo sa lipunan. Minsan, sinubukan ng isang mapagkunwari na nagngangalang Abdullah ibn Ubbay na buhayin ang pagtatalo na ito sa pamamagitan ng pagtawag para sa pagpapatalsik ng Muhajirun mula sa Medina ngunit ang Banal na Propeta (SKNK) ay mahigpit na hinarap siya at ang Surah al-Munafiqun ay ipinahayag tungkol sa taong ito.

Sa Seerah ni Imam Sadiq (AS), din, makikita natin ang mga pagpapakita ng paglikha ng pagkakaisa sa Islamikong Ummah. Una sa lahat, dapat tandaan na hindi pinili ni Imam Sadiq (AS) na manirahan sa Kufah, na alin siyang pangunahing sentro ng mga Shia Muslim. Siya ay nanirahan sa Medina kung saan walang gaanong mga Shia.

Bukod dito, marami sa mga mag-aaral ni Imam Sadiq (AS), na ang bilang ay tinatayang nasa 4,000, ay hindi mga Shia at ang ilan sa kanila ay katulad nina Abu Hanifah, Malik ibn Anas, Sufyan al-Thawri, Uzaei, at iba pa ay kabilang sa pangunahing karaniwang mga iskolar. Ang pag-uugali ni Imam Sadiq (AS) ay naakit silang lahat sa kanyang mga aralin.

Ang isang mahalagang punto sa pag-aaral kung paano makitungo si Imam Sadiq (AS) sa mga Muslim sa pangkalahatan ay alalahanin ang katotohanan na ang sektaryanismo at paggawa ng mga sekta ay napakakaraniwan noong panahong iyon. Ang sinumang iskolar sino naging kilala ay magtitipon ng mga alagad sa paligid niya at magtatag ng isang sekta. Karamihan sa mga sektang ito ay naglaho ngunit ang ilang[MK1]  panghurisprudensiya at teolohiko na mga paaralan ay nanatili, katulad ng Hanafiyah at Malikiyah sa mga Sunni at Zaydiyah at Ismailiyah sa mga Shia. Sa ganitong mga kalagayan, hindi lamang hinangad ni Imam Sadiq (AS) na lumikha ng mga sekta at paghiwalayin ang landas ng mga Shia mula sa landas ng ibang mga Muslim, ngunit hinihimok niya ang mga Shia na mamuhay kasama ng ibang mga Muslim, ayon sa mga Hadith. Inaasahan na ang mga Shia ay mananatiling nakatuon sa Seerah ni Imam Sadiq (AS) at maging isang Zinat (palamuti) para sa kanya.

 

3490020

captcha