IQNA

92 na mga Kalahok mula sa 71 na mga Bansa na Dumalo sa Ika-64 na Pandaigdigan na Paligsahan sa Quran ng Malaysia

16:57 - October 07, 2024
News ID: 3007567
IQNA – Opisyal na binuksan noong Sabado ang Ika-64 na Pandaigdigan na Pagtitipon sa Pagbigkas ng Al-Quran at Pagsasaulo ng Malaysia, na nagtatampok ng 92 na mga kalahok mula sa 71 na mga bansa.

Ang pagbubukas ng seremonya ay ginanap sa World Trade Center sa Kuala Lumpur na may partisipasyon ng mga kalahok, mga opisyal na Malaysiano, at pulutong ng publiko.

Kasama sa mga kalahok ang 53 nan mga qari at 39 na mga magsasaulo na nakikipagkumpitensiya sa kani-kanilang mga kategorya.

Ang kumpetisyon, na may temang "Al-Falah (pangbanal na tagumpay) Maghatid sa Malaysia Madani," ay tatakbo mula Oktubre 5 hanggang 12.

Kasama sa seremonya ng pagbukas ang pagbasa ng limang beses na kampeon na mambabasa na Malaysiano na si Rahmas Abdullah at isang pagtanghal ng nasyid ng Malaysiano na Armadong Puwersa na Panrelihiyon na Pulutong (Kagat).

Sa pagbigay ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas, binigyang-diin ng Punong Ministro ng Malaysia na si Anwar Ibrahim ang kahalagahan ng pagkakaisa at karunungan.

"Ang makitid na pag-iisip ay lulubog sa atin. Kasabay nito, ang padalus-dalos at hindi matalinong pag-iisip ay magiging hamon para sa atin," sabi niya, iniulat ng Bernama.

Binigyang-diin niya ang pangangailangan para sa pag-unawa, pagtiyaga, at karunungan sa paggawa ng desisyon, lalo na sa liwanag ng patuloy na digmaan ng Israel sa Gaza.

Ang pandaigdigan na kumpetisyon ng Quran ng Malaysia ay taunang inorganisa sa kabisera ng bansa ng Kuala Lumpur ng Department of Islamic Development (JAKIM) ng bansa.

 

3490157

captcha