Si Hamid Reza Nasiri ay nagsagawa ng kanyang pagbigkas sa prestihiyosong kaganapan sa Quran noong Huwebes ng gabi.
Sinabi niya sa IQNA pagkatapos na ang mga kondisyon ay hindi naging maganda para sa kanya bago ang pagtatanghal.
Nabanggit niya na ang kanyang paglipad sa ereuplano papuntang Kuala Lumpur ay nakansela nang dalawang beses dahil sa tensiyon sa Gitnang Silangan, na nagresulta sa mahabang pagkaantala sa pagdating sa Malaysia.
Ang pag-aalala tungkol sa isang posibleng ikatlong pagkansela ay nagkaroon din ng negatibong epekto sa kanyang moral at naapektuhan ang nakaplanong koordinasyon, sinabi niya.
Idinagdag ni Nasiri na ang mahabang biyahe mula Dubai patungong Kuala Lumpur ay isa pang negatibong salik.
May isa pang isyu sabi niya, iyon ay ang kawalan ng magpatnubay na nakaplanong samahan siya sa kumpetisyon.
Ang Iraniano na dalubhasa sa Quran na si Mohammad Hossein Saeedian ay dapat na maging gabay niya sa paligsahan ngunit nakansela ang kanyang biyahe.
Sinabi ni Nasiri na dahil sa mga problemang ito, hindi niya maibigay ang pagtatanghal na gusto niyang ibigay sa kumpetisyon.
Tinukoy niya ang kinatawan ng Malaysia bilang kanyang pangunahing karibal.
Sinabi rin ni Nasiri na hindi malinaw kung maaari siyang mapabilang sa nangungunang tatlong mga nanalo sa kategorya ng pagbigkas.
Narito ang pagbigkas ni Nasiri sa patimpalak:
May kabuuang 92 na mga mambabasa at mga magsasaulo ng Quran mula sa 71 na mga bansa ang nakikilahok sa kumpetisyon, na kilala bilang Malaysia International Quran Recitation and Memorization Assembly (MTHQA).
Sila ay nakikipagkumpitensiya sa mga kategorya ng pagsasaulo at pagbigkas ng Quran.
Ang seremonya ng pagsesera kung saan iaanunsyo at gagawaran ang nangungunang mga nanalo ay nakatakda ngayong gabi, Oktubre 12.