Sa simula ng kanyang paglalakbay sa mataas na paaralan, si Khairi Izat, ngayon ay 31, ay nakipagkumpitensiya sa mga lokal at pambansang mga kumpetisyon sa kaligrapya bago palawakin ang kanyang kaalaman sa ibang bansa.
Sa pagmumuni-muni sa kanyang paglalakbay, ipinaliwanag niya, “Ang pagiging isang kaligrapiyo ay hindi isang madaling gawain; inabot ako ng maraming mga taon para makabisado.” Nag-aral siya nang husto, pagsasanay sa mga istilo katulad ng Thuluth at Nasakh sa Sentro ng Pananaliksik sa IRCICA ng Turkey para sa Kasaysayang Islamiko, Sining, at Kultura, iniulat ng Bernama noong Martes.
Sa kabuuan ng kanyang karera, si Khairi Izat ay nakatuon sa teknikal na katumpakan at espirituwal na ugong ng sining, sa pagmamasid na ang kaligrapya ay nangangailangan ng parehong kahusayan at matalas na mata upang makagawa ng maayos at makabuluhang mga gawa.
Gamit ang tradisyunal na mga panulat na kawayan at kahoy, binibigyang-diin niya na ang bawat piraso ay nangangailangan ng patitiis at kasanayan.
"Ang mga pamamaraan sa pagsulat ng kaligrapya ay dapat matutunan dahil ang bawat piraso ay may sariling pagpapatuloy, kapinuhan, at pagkakatugma," sabi niya.
Ang kanyang kadalubhasaan ay humantong din sa kilalang mga komisyon, kabilang ang paggawa ng teksto para sa seremonya ng pagtatag ng Hari ng Malaysia noong Hulyo.
Ang kaligrapya, o “khat,” ay nagtataglay ng isang iginagalang na lugar sa loob ng kulturang Islamiko, na ginagamit para sa mga talata ng Quran, mga dekorasyon sa moske, at mga personal na likhang sining. Itinuturo ni Khairi Izat na habang ang Malaysia ay may mayamang tradisyon sa kaligrapya, ang modernong teknolohiya ay madalas na humihila sa nakababatang mga salinlahi mula sa tradisyonal na sining.
Sa panahon ngayon, pinapalitan ng mga gadyet ang papel at mga panulat, na nakakaapekto sa tradisyunal na mga kagamitan na mahalaga para sa pag-aaral ng kaligrapya, sabi niya, at idinagdag na ang nakabalangkas na mga programa ay kailangan upang linangin ang talento.
Ang isa pang batang kaligrapiyo, si Ammar Yahaya, na nagtatrabaho sa Nasyrul Quran Complex sa Putrajaya, ay nagpahayag ng katulad na pananaw, na binibigyang-diin ang pangangailangan para sa mga plataporma na sumusuporta sa pare-parehong kasanayan. Maraming mga mag-aaral sa paaralan ang nagpapakita ng interes, ngunit kakaunti ang may tiyaga upang magpatuloy sa pag-aaral, sabi niya, idinagdag na ang nakabalangkas na kurikulum ay mahalaga upang bumuo ng mga de-kalidad na mga kaligrapiyo.
Parehong nakikita nina Khairi Izat at Ammar ang potensiyal sa eksena ng kaligrapiya ng Malaysia, na may lumalaking interes sa kaligrapiya para sa komersyal na palamuti at arkitektura.
Nananatiling maasahin si Khairi Izat tungkol sa kinabukasan ng sining, na nagbibigay-kredito sa tumaas na interes mula sa publiko at patuloy na pagsisikap ng mga lokal na artista na mapanatili ang tradisyunal na gawaing ito.