Naganap ang aksidente habang sila ay naglalakbay pabalik sa kanilang bayan sa Lalawigan ng Al-Buhaira.
Ang Ehipytiano na Ministro ng Awqaf, si Osama Al-Azhari, kasama ang iba pang mga opisyal ng kagawaran, ay nagpahayag ng kanilang pakikiramay sa magkahiwalay na mga mensahe. Ang Ministro ay nag-utos din ng pagbabayad ng 25,000 Ehiptiyanong mga libra sa pamilya ng namatay.
Kinumpirma ni Adel Moselhi, ang director ehekutibo at punong superbisor ng Port Said na Pandagdigan na Paligsahan sa Quran, ang nakakabagbag-damdaming balita, na nagsasabi na ilang iba pang mga kalahok at kanilang mga magulang ang nasugatan sa aksidente.
Binanggit niya na pinahanga ni Suad Rajab Al-Mazin ang mga hurado sa kanyang malambing na pagbigkas at itinuring na isang malakas na kalaban para sa huling ikot ng kumpetisyon.
Ang Ika-8 na Edisyon ng Port Said na Pandaigdigan na Paligsahan sa Quran, na pinangalanan sa kilalang Ehiptiyanong qari ang yumaong Muhammad Sidiq Minshawi, ay gaganapin sa hilagang lungsod ng daungan sa Pebrero 2025.