IQNA

'Muslim na Palakaibigan na Pagtitipon sa Turismo' Plano sa Cambodia

20:51 - December 14, 2024
News ID: 3007827
IQNA – Ang “Cambodia na Muslim na Palakaibigan na Pagtitipon sa Turismo” ay planong ilunsad sa Timog-silangan na bansang Asyano sa Miyerkules, Disyembre 18.

Ito ay ilulunsad sa Phnom Penh Hotel, sa ilalim ng temang “Ang Ganda ng Pagkakasundo at Muslim na Palakaibigan na mga Destinasyon sa Turismo: Mga Pagkakataon at Mga Paghahanda”.

Ang kaganapan, na inorganisa ng Cambodian Muslim Tourism na pangkat sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo, ay nagmamarka ng isang makabuluhang milyahe sa mga pagsisikap ng bansa na mapahusay ang apela nito bilang isang Muslim-palakaibigan na destinasyon.

Nilalayon nitong pasiglahin ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng turismo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mayamang pamanang pangkultura at makasaysayang mga lugar ng komunidad ng Muslim, na nag-aalok sa lokal at pandaigdigan na mga turista ng natatanging pananaw sa magkakaibang kasaysayan ng bansa.

Kaya binigyang-diin ni Farina, kinatawan na direktor ng Documentation Center of Cambodia (DC-Cam), ang pangmatagalang pananaw sa likod ng kaganapan.

“Ito ang unang pagtitipon, at ito ay bahagi ng aming mas malawak na plano ng pagkilos upang isulong ang turismo ng Muslim sa Cambodia. [Ito] ay nagpapakita ng isang natatanging pagkakataon upang matuto mula sa mga karanasang ibinahagi ng mga eksperto mula sa Malaysia at Thailand, sino matagumpay na naisama ang turismong Muslim-palakaibigan sa kanilang mga ekonomiya,” sabi ni Farina.

Ang pangunahing layunin ng pagpupulong ay upang himukin ang paglago ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagtataguyod ng turismo na magiliw sa mga Muslim, partikular na itinatampok ang pangunahing mga lugar ng Muslim sa Cambodia.

Binigyang-diin ni Farina na ang pagtitipon ay hindi lamang tututuon sa kung ano ang gumagana kundi pati na rin sa mga hamon na kailangang tugunan.

"Ibinabahagi namin pareho ang aming mga lakas at mga lugar kung saan maaari naming pagbutihin upang gawing mas nakakaengganyang destinasyon ang Cambodia para sa Muslim na mga manlalakbay," dagdag niya.

Itatampok ng panayam ang mga presentasyon mula sa mga propesyonal sa turismo na nagsasalita ng Khmer, gayundin ang pandaigdigan na mga tagapagsalita mula sa Malaysia at Thailand, na nag-aalok ng mga pananaw sa pagtataguyod ng turismo sa komunidad ng Muslim.

Ipapakita rin ng DC-Cam, na lubos na nasangkot sa pag-unlad ng turismo ng bansa, ang mga inisyatiba nito sa makasaysayang turismo - isang pamamaraan na nag-aanyaya sa mga bisita na tuklasin ang kasaysayan ng bansa sa pamamagitan ng magkakaibang mga komunidad nito, na marami sa mga ito ay nahaharap sa matinding mga paghihirap.

Tinalakay ni Farina kung paano gumaganap ng mahalagang papel sa pagsisikap na ito ang Cham Silk (Sutla), isang makabuluhang produktong pangkultura.

"Pinapanatili ng Cham Silk (sutla) ang isang mahalagang aspeto ng ating pangkultura na pamana at nag-aambag sa pagpapalakas ng ekonomiya ng komunidad, partikular na ang matatandang mga kababaihan sa lalawigan ng Kampong Cham na kasangkot sa paggawa nito," sinabi niya sa The Post.

Sinasagisag ng Cham Silk ang katatagan, na may makulay na mga kulay at masalimuot na mga kayarian na sumasalamin sa kasaysayan ng mga taong Cham at gumagamit ng karanwan na mga elemento upang lumikha ng natatanging mga disenyo.

Ang pagtuon ng DC-Cam sa makasaysayang turismo ay kinabibilangan ng pagbigay-diin sa mga pook katulad ng Islamikong minaret sa Svay Khleang, na alin ginamit sa kasaysayan para sa mga pagtitingin sa buwan at tumawag sa mga komunidad ng Muslim sa pagdarasal.

Ito at ang iba pang pangkultura na palatandaan ay itatampok sa pagtitipon bilang mga halimbawa ng mayamang pamana ng Islam sa Cambodia, na higit na nagtataguyod ng potensiyal ng bansa bilang isang destinasyong Muslim-palakaibigan.

Sa pamamagitan ng pagsasama ng pangangalaga sa pangkultura sa pag-unlad ng ekonomiya, ang pagtitipon ay naglalayong lumikha ng isang pangmatagalang epekto, pagbibigay kapangyarihan sa lokal na mga komunidad, partikular na ang mga kababaihan, upang mapanatili ang kanilang mga tradisyon at dagdagan ang kanilang kita sa pamamagitan ng turismo.

Nagtapos si Farina, "Ang pakikipagtulungang ito sa pagitan ng Kagawaran ng =Turismo at DC-Cam ay kumakatawan sa isang malakas na ugnayan ng kasaysayan, kultura at ekonomiya. Pinalalakas nito ang ugnayan sa pagitan ng ating pangkultura na pamana at ng ating mga pagsisikap na bumuo ng isang mas inklusibo at umuunlad na sektor ng turismo.

Habang tumatayo ang Cambodia sa sarili bilang isang umuusbong na destinasyon ng turismo na magiliw sa Muslim, ang 2024 Cambodia Muslim Friendly Tourism Forum ay nangangako na isang mahalagang kaganapan sa paghubog sa kinabukasan ng industriya ng turismo ng bansa, na pinagsasama ang pangangalaga ng pangkultura at paglago ng ekonomiya.

 

3491025

captcha