Ang paglalakbay ni Al-Zanati sa kaligrapya ay nagsimula sa pagkabata, nang mapansin ng kanyang guro sa paaralan—isang kamag-anak din—ang kanyang sulat-kamay at gumawa ng isang mahalagang pangungusap.
"Sinabi sa akin ng aking guro na si Ali bin Ali, sino pinsan ng aking ama, 'Ikaw ay isang kaligrapiyo. Ang iyong sulat-kamay ay maganda,'" sinabi ni Al-Zanati sa Al Jazeera Arabik. "Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko ang salitang 'kaligrapiyo.' Binago nito ang lahat para sa akin."
Ipinanganak sa isang pamilya kung saan ang sining ay may kahalagahang pangkultura, si Al-Zanati ay tinuruan ng mga serye ng Arabik na mga kaligrapiyo, kabilang si Ibrahim Al-Zanati at nang maglaon, si Mahfouz Al-Buaishi, sino kinikilala niya sa paghubog ng kanyang artistikong landas.
Ang isa pang pagbabago ay dumating sa pamamagitan ng isang ugnayan kay Abu Bakr Sassi, ang kaligrapiyo ng Mushaf al-Jamahiriya ng Libya, isang bersyon ng Quran na inilathala noong 1982 batay sa salaysay ng Qalun. "Sinabi niya sa akin, 'Balang araw, kung kalooban ng Diyos, ikaw ay magiging isang kaligrapiyo ng Quran.' Ang kanyang mga salita ay nanatili sa akin," paggunita ni Al-Zanati.
Sa pamamagitan ng kanyang paglalakbay, nakipagtulungan din si Al-Zanati kay Sadiq Al-Zaghadani, isa pang kaligrapiyo, na sinamahan siya sa mga paglalakbay sa Mali at Uganda upang magturo ng Arabik na kaligrapiya. Ang mga karanasang ito, sabi niya, ay kritikal sa pagbuo ng kanyang artistiko at propesyonal na pagkakakilanlan.
Pagsasakatuparan ng Pangarap
"Ang mga salita ni Sheikh Abu Bakr Sassi ay hindi iniwan sa akin," sabi ni Al-Zanati. "Nang dumating ang tamang panahon, sa awa ng Diyos, nagsimula akong magtrabaho para isabuhay ang pangarap na ito."
Noong panahong iyon, nakikipagbuno ang Libya sa kawalang-tatag sa pulitika, at ang pagpopondo sa naturang proyekto ay isang malaking hamon. "Naghanap ako ng maraming mga taon para sa isang tao na mamuhunan sa ideya," sabi niya. Sa kalaunan, lumapit siya sa Pangkalahatang Awtoridad para sa Panrelihiyosong mga Kaloob (Awqaf) ng Libya, ang katawan ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga gawaing panrelihiyon.
Nagsumite si Al-Zanati ng isang pormal na kahilingan noong Marso 2017. "Ipinaliwanag ko ang pangangailangang punan ang isang puwang sa Quranikong kaligrapiya sa pagsasalaysay na Qalun," sabi niya. Ang proyekto ay naaprubahan, isang komite ng pangangasiwa ang itinatag, at ang kinakailangang mga lisensiya para sa pag-imprenta at pamamahagi ay nakuha.
Mga Kagamitan, Mga Pamamaraan, at Suporta sa Pamilya
Ang kaligrapya, partikular na ng Quran, ay nangangailangan ng masusing pagpaplano at pagpapatupad. Pinili ni Al-Zanati na gumamit ng pluma pagkatapos kumonsulta sa ibang mga artista. "Ang panulat ay dapat tumugma sa haba ng linya at antas ng katumpakan. Ang uri ng mesa, ang bigat ng papel-mag-imprenta man o sulat-kamay-lahat ay mahalaga," paliwanag niya.
Ang kanyang anak na lalaki si Mohammed, ay gumanap ng isang mahalagang papel. "Pinamahalaan niya ang teknikal na mga aspeto ng proyekto. Ang kanyang suporta ay nagligtas sa akin ng oras at pagsisikap, lalo na noong ang proyekto ay lumipat sa digital anyo," sabi ni Al Zanati, at idinagdag na ang teknolohiya ay may mahalagang papel sa pagpapadali sa produksyon.
Pagtitiis sa Personal na Pakikibaka
Ang transkripsyon ay ang unang karanasan ni Al-Zanati sa pagsulat ng Quran sa kabuuan nito—isang prosesong nangangailangan ng pambihirang katumpakan. "Walang puwang para sa pagkakamali," sabi niya. "Kailangan kong maging nakatuon sa pag-iisip at handa sa teknikal."
Ang paglalakbay ay minarkahan din ng makabuluhang personal na paghihirap. "Ang aking ama ay nakikipaglaban sa kanser, at kami ay gumugol ng tatlong mga taon sa mga ospital sa Turkey," sabi ni Al-Zanati. "Kasabay nito, nagtatrabaho ako sa Quran. Sa kabila ng emosyonal na pagod, ginampanan ko ang dalawang mga tungkulin."
Ang kanyang pamilya ay nahaharap sa karagdagang mga pagsubok sa panahon ng pandemya ng COVID-19. “Nagkasakit ang aking asawa, at kinailangan kong alagaan siya at ang aming mga anak habang ipinagpapatuloy ang proyekto,” sabi niya.
Ang pinakamasakit na suntok ay nagmula sa kanyang pinagtatrabahuan. Si Al-Zanati ay nagtatrabaho sa departamento ng adwana ng Libya. Sa kabila ng kanyang inilarawan bilang isang naunang kasunduan na italaga ang kanyang sarili sa proyekto ng Qur’an, siya ay tinanggal dahil sa pinalawig na pagliban.
"Nagulat ako," sabi niya. "Ang mundo ay isinara dahil sa COVID. Maging ang mga paaralan at karamihan sa mga tanggapan ng gobyerno ay sarado. Ang Tripoli ay dumaan sa labanan. Inaasahan ko ang suporta, hindi ang parusa."
Sinabi ni Al-Zanati na hindi siya kailanman humingi ng personal na pagkilala ngunit hinihimok ng isang mas malaking layunin. "Lahat ng tao ay may papel na dapat gampanan sa buhay. Ang sa akin ay pagandahin ang Quraniko na kaligrapiya," sabi niya.
Sa Libya, ang mga paaralang Quraniko at mga sentro ng pagsasaulo (kilala bilang Dar al-Tahfiz) ay sentro ng panrelihiyong edukasyon ng mga bata, lalo na sa panahon ng bakasyon. "Nagkaroon ng pagtaas ng pangangailangan para sa isang lokal na ginawang Mushaf. Naniniwala akong natugunan ng gawaing ito ang pangangailangang iyon at nagkaroon ng tunay na epekto sa lipunan."