Ang Masjid Ali Bin Abi Talib, na mas kilala bilang Lakemba Moske, ay humiling ng pag-apruba mula sa Konseho ng Canterbury-Bankstown na maglagay ng apat na panlabas na mga laud-ispiker sa minaret nito. Ang layunin ay ihimpapawid ang adhan nang humigit-kumulang lima hanggang labinlimang mga minuto tuwing Biyernes bago ang pagdarasal ng Jummah sa tanghali, iniulat ng Daily Telegraph noong Lunes.
Kung pagbibigyan, gagawin ng panukala ang Moske ng Lakemba na una sa Sydney na naglabas ng lingguhang panawagan sa panalangin sa buong taon.
Ang mga dokumento sa pagpaplano na kasama ng aplikasyon ay nagbibigay-diin sa mga relihiyosong demograpiko ng lugar, na binabanggit na humigit-kumulang 61.2 porsiyento ng populasyon ng Lakemba ang kinikilala bilang Muslim.
Ang mga dokumento ay nagsasaad na "Sa Lakemba, ang adhan ay isang kilala at nakaaaliw na tunog para sa maraming mga residente, na nagmamarka sa mga ritmo ng pang-araw-araw na buhay at nagpapatibay ng isang pakiramdam ng pagkakaisa at ibinahaging pananampalataya."
Matatagpuan ang moske sa isang pook na pambahayan na may makapal na populasyon na kinabibilangan ng mga tahanan ng nag-iisang pamilya, maramoing-yunit na mga tirahan, at ilang komersyal na mga ari-arian. Sa ilalim ng mga regulasyon sa pagpaplano ng konseho, ang pagdaragdag ng mga laud-ispiker ay pinapayagan nang may pormal na pahintulot.
Inihahambing din ng mga dokumento ang adhan sa mga gawaing Kristiyano, na nagsasabi na "Ang adhan ay isang tawag ng panalangin na katulad ng mga kampana ng simbahan tuwing Linggo ng umaga para sa misa."
Sa sentral na distrito ng negosyo ng Sydney, ilang mga simbahan, kabilang ang makasaysayang St Mary’s Cathedral, ang regular na nagpapatunog ng mga kampana, na may ilang mga sesyon na tumatagal ng hanggang isang oras.
Ang isang independiyenteng pagtatasa ng tunog na isinagawa para sa moske ay nagpapahiwatig na ang tawag sa panalangin ay susunod sa lokal na mga limitasyon ng ingay—81 na mga decibel sa mga sona ng komersiyal at 68 na mga decibel sa pamahayan na mga lugar.
Binanggit ng ulat na ang limitadong tagal ng adhan at ang iminungkahing control ng tunog na mga hakbang ay tinitiyak ang pagsunod sa lokal na mga pamantayan, na alin nagbabawal sa labis na malakas o nakakagambalang ingay.
Kasalukuyang sinusuri ng konseho ang aplikasyon.