Inaasahang aabot sa £2,000 hanggang £3,000 ang halaga nito, ang librong mula ika-18 o maagang ika-19 na siglo ay ibebenta sa Hansons Auctioneers’ Roughton saleroom sa Setyembre 27.
Mahigit isang siglo ring nanatili sa iisang pamilya ang 300-pahinang maliit na Quran, ipinasa mula sa mga ninunong malawak na naglakbay noong huling bahagi ng ika-19 at maagang ika-20 mga siglo.
Ayon sa hindi pinangalanang nagbenta: “Maraming nalibot sa buong mundo ang aking mga lolo-tiyuhin at lolo noong huling bahagi ng ika-19 at maagang ika-20 siglo.
Mahilig sila sa mga bihira at mamahaling mga bagay at madalas silang umuuwi ng mga regalo para sa aking lola at kapatid nito.
“Ibinigay sa akin ang maliit Quran para sa aking bahay-manika noong ako’y bata pa.” May taas lamang na isa’t kalahating mga pulgada, ang aklat ay orihinal na isang sancak — isang anting-anting na dala ng mga sundalong Ottoman at mga manlalakbay bilang proteksyon.
Ayon kay Mark Nelson-Griffiths ng Hansons Auctioneers: “Ang laki ng teksto ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinaniniwalaang may kapangyarihan ang aklat.”