IQNA

Inalala ang Yumaong Qari Al-Husari sa Palatuntunang Ehiptiyano ‘Kalagayan ng Pagbigkas’

2:07 - November 18, 2025
News ID: 3009088
IQNA – Ang programang TV na “Dawlet El Telawa (Kalagayan ng Pagbigkas),” isang espesyal na paligsahan para sa talento sa pagbigkas ng Quran sa Ehipto, ay nag-alay ng paggunita kay Sheikh Mahmoud Khalil Al-Husari.

Late Egyptian qari Sheikh Mahmoud Khalil Al-Husari

Ayon sa Al-Watan, nagpalabas ang programa ng isang ulat tungkol sa yumaong Al-Husari, na isinagawa ni Asa’ad Younis, isang Ehiptiyanong artista at personalidad sa media. Binanggit sa ulat na ipinanganak si Al-Husari sa isang nayon sa Lalawigan ng Gharbia ng Ehipto at nasaulo niya ang kabuuan ng Quran sa edad na 10.

Ibinigay sa kanya ang pangalang Al-Husari mula sa kanyang ama, sino nagtrabaho sa paghahabi ng banig. Nagsimula ang kanyang landas sa Quran sa Sentrong Quraniko ng Sidi Ahmed Al-Badawi sa Tanta, bago siya sumali sa Ehiptiyanong Radyo Quran noong 1944 upang maglingkod sa Quran sa pamamagitan ng mga pagbigkas, pagsusuri, at pagtutuwid ng mga pagbasa.

Ang pinakakilala niyang nagawa ay ang pagtala ng kanyang pagbigkas ng Quran, na alin unang naipalabas noong Setyembre 18, 1961.

Ayon sa ulat, ang tagumpay na ito ay regalo ng Ehipto sa buong mundo, at dahil dito, 44,000 na mga kopya ng naitalang pagbigkas ni Al-Husari ang ipinamahagi sa kabiserang mga lungsod sa buong daigdig.

Late Qari Al-Husari Remember on Egyptian ‘State of Recitation’ Program

Ang unang episodyo ng Dawlet El Telawa ay ipinalabas noong Biyernes, na naglungsad ng panibagong paglalakbay para tuklasin ang umuusbong na mga talento sa pagbigkas ng Quran at Tajweed.

Ipinapalabas ang palatuntunan tuwing Biyernes at Sabado sa mga Tsanel ng Al-Hayah, CBC, at Al-Nas TV pati na rin sa WATCH IT na plataporma.

Mahigit 14,000 na mga kalahok mula sa iba’t ibang mga bahagi ng Ehipto ang lumahok sa mga audition para sa palabas, na inihanda sa pakikipagtulungan sa Ehiptiyanong Kagawaran ng Awqaf at United Media Services. Sa pamamagitan ng ilang mga yugto ng pagpili, nabawasan ang bilang hanggang sa 32 nangungunang mga talento na magtatagisan sa huling mga episodyo, sa ilalim ng pangangasiwa ng isang pang-iskolar na espesyalisadong komite mula sa Kagawaran ng Awqaf na pinamumunuan ni Dr. Osama Al-Azhari.

Pinagsasama ng lupon ng hurado ang nangungunang mga personalidad sa relihiyon at akademya mula sa Ehipto at sa Mundong Islamiko, kabilang sina Sheikh Hassan Abdel Nabi, Kinatawang Pangulo ng Al-Azhar na Komite sa Pagsusuri ng Quran; si Dr. Taha Abdel Wahab, dalubhasa sa boses at Maqamat; ang Islamikong mangangaral na si Mostafa Hosny; at ang kilalang qari na si Sheikh Taha Al-No’mani.

Ang kabuuang halaga ng mga premyo sa Dawlet El Telawa ay umaabot sa 3.5 milyong EGP. Ang dalawang unang gantimpala-isa para sa pagbigkas at isa para sa Tajweed-ay makatatanggap ng tig-1 milyong EGP, pati na ang karangalan na naitala ang buong Banal na Quran gamit ang kanilang tinig para sa pagpapalabas sa tsanel ng Misr Quran Kareem.

Bibiyayaan din sila ng pagkakataong mamuno sa Taraweeh na mga pagdasal sa Moske ng Imam Hussein (AS) sa darating na Ramadan isang napakataas na karangalan.

Pinangungunahan ni Aya Abdelrahman, ang Dawlet El Telawa ay isang makasaysayang hakbang sa pagtataguyod ng talento sa Quran, muling pagbangon ng tunay na Ehiptiyanong paaralan ng pagbigkas, at pagpapatibay ng matagal nang papel ng Ehipto bilang ilaw ng kahusayan sa Quran at marangal na pag-aaral sa relihiyon.

 

3495412

captcha