IQNA

Libu-libong Quran ang Iniregalo sa mga Mag-aaral sa Bancharampur ng Bangladesh

21:37 - November 09, 2024
News ID: 3007695
IQNA – Mga limang libong mgakopya ng Banal na Quran ang ipinamahagi sa mga mag-aaral ng tatlumpu't pitong mga institusyong pang-edukasyon sa Bancharampur, Bangladesh.

Ang Pangkat ng Bashundhara ay nagbigay ng mga Quran sa mga estudyanteng lalaki at babae sa isang seremonya.

Ang kaganapan ay ginanap sa Upazila Parishad auditoryum noong Lunes ng hapon kasama Tagapayo ng Grupong Bashundhara na si Maynal Hossain Chowang Tdhury sa upuan.

Ang programa ay dinaluhan ng mga mag-aaral ng 25 sekondaryang mga paaralan, labing-isang mga madrasa, at isang paaralang bokasyonal at kolehiyo sa lugar.

Sa pagtanggap ng Banal na Quran, ang ika-siyam na baitang na si Tania Akhter ng Bancharampur Pilot Girls' High School ay nagsabi, "Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng isang Banal na Quran bilang regalo. Napakasaya ko pagkatapos makuha ang banal na aklat."

Si Suman Mia, isang mag-aaral ng Bancharampur na Bokasyonal na Paaralan at Kolohiyo, ay nagsabi, "Ako ay nalulugod na makatanggap ng Banal na Quran."

Ang Bangladesh ay isang bansang karamihan sa mga Muslim sa Timog Asya. Mga 160 milyong mga Muslim ang nakatira sa Bangladesh, na siyang pang-apat na pinakamalaking populasyon ng Muslim sa mundo (pagkatapos ng Indonesia, Pakistan at India).

 

3490589

captcha