IQNA

Ano ang Sinabi ng Qur’an/40 Katayuan ng Banal na mga Propeta; Mula sa Pagtanggap ng Paghahayag Hanggang sa Pamumuno ng Lipunan

12:09 - December 13, 2022
News ID: 3004898
TEHRAN (IQNA) – Mayroong tatlong mga katayuan na ang bawat banal na propeta ay ibinigay kahit isa sa kanila at isang misyon batay sa katayuan na iyon.

Sa pagitan ng mga sugo ng Diyos, si Propeta Abraham (AS) ay may natatanging katayuan at posisyon. Ang kanyang pangalan ay binanggit ng 69 na beses sa 25 Surah ng Qur’an. Katulad ng Propeta Muhammad (SKNK), siya ay ipinakilala bilang isang huwaran para sa sangkatauhan. Gamit ang katwiran, nakipaglaban siya sa paglihis at Shirk (pagsamba ng diyus-diyusan) sa iba't ibang mga larangan. Binigyan siya ng katayuan ng Pagkapamumuno pagkatapos makapasa sa pangunahing banal na mga pagsubok.

“At nang subukan ng kanyang Panginoon si Abraham sa ilang mga salita, tinupad niya ang mga iyon. Sinabi niya: Tunay na gagawin kitang Imam (pinuno) ng mga tao. Sinabi ni Abraham: At sa aking mga supling? Ang Aking kasunduan ay hindi kasama ang mga hindi makatarungan, sinabi Niya.”

Hindi bababa sa dalawang mga bahagi ng talatang ito ang mahalaga. Ang unang bahagi na tumutukoy sa Pagkapamumuno ni Abraham (AS), at ang pangalawa kung saan binibigyang-diin ng Diyos ang patuloy na pagsasama ng Pagkapumuno at katarungan. Ngunit ano ba talaga ang ibig sabihin ng Pagkapamumuno sa talatang ito at paano iyon nauugnay sa pagkapropeta?

Katulad ng para sa unang tanong, dapat sabihin na pagkatapos na makapasa sa banal na mga pagsubok, ang bawat propeta ng Diyos ay umabot sa ilang tiyak na mga katayuan, isa sa mga ito ay Pagkapamumuno.

Ayon sa Nemuneh na Pagpapakahulugan ng Qur’an, ang pagiging propeta ay ang posisyon ng isang tao na tumatanggap ng paghahayag ng Diyos. Kaya ang isang propeta ay isa kung kanino ipinadala ng Diyos ang Kanyang paghahayag. Ang "Risalah" ay isa pang katayuan kung saan ang propeta ay may katungkulan sa paghahatid at pagpapalaganap ng paghahayag at pagtataguyod ng banal na mga alituntunin, sa gayon ay turuan at itaas ang kabatiran sa lipunan. Ang “Rasul” ay isa na may tungkuling magsikap na lumikha ng isang kultural at ideolohikal na himagsikan sa lugar ng kanyang misyon.

Ang katayuan ng Pagkapamumuno, samantala, ay nangangahulugan ng pamumuno at pamamahala. Sa katunayan, ang isang Imam ay isang tao sino nagtatag ng isang banal na pamahalaan upang ipatupad ang banal na mga tuntunin. Sa medaling mga salita, ang responsibilidad ng Imam ay ang pagpapatupad ng mga utos ng Diyos habang ang responsibilidad ng isang Rasul ay ang pagpapakilala at pagtuturo lamang ng mga kautusang iyon.

Risalah, dahil nangangailangan iyon ng dakilang mga merito at kabutihan sa iba't ibang mga lugar. Nakamit ni Abraham (AS) ang katayuang ito pagkatapos niyang makapasa sa banal na mga pagsubok at, ayon sa Banal na Qur’an, ito ang huling yugto sa kanyang pagkilos tungo sa pagiging ganap.

Mga mensahe ng unang bahagi ng talata 124 ng Surah Al-Baqarah, ayon sa Nemuneh na Pagpapakahulugan ng Qur’an:

1- Maging ang banal na mga propeta ay sinusubok ng Diyos. “At nang subukan ng kanyang Panginoon si Abraham sa tiyak na mga salita.”

2- Upang makapagtalaga ng isang tao sa isang katayuan, kailangang may pagsubok (upang patunayan ang mga kuwalipikasyon). “At nang subukan ng kanyang Panginoon si Abraham sa ilang mga salita.”

3- Ang mga katayuan ay dapat ibigay sa mga tao nang paunti-unti at pagkatapos ng tagumpay sa bawat yugto. "Natupad niya ang mga ito."

4- Ang Pagkapamumuno ay isang katayuan na ibinibigay sa isang tao sa pamamagitan ng paghirang (ng Diyos) hindi sa pamamagitan ng pagboboto. Ang isang Imam ay dapat na hinirang ng Diyos. "Tiyak na gagawin kitang Imam."

 

 

3481630

Related News
captcha